← Back to Home
Vice Ganda, nakilala ang suot na sapatos ni Johaira | It’s Showtime

Vice Ganda, nakilala ang suot na sapatos ni Johaira | It’s Showtime

Vice Ganda, nakilala ang suot na sapatos ni Johaira | It’s Showtime

🕒 6/7/2025, 5:12:01 AM682 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Ano ang weekend vibe mo? Dito sa "It's Showtime," ang vibe ay chill lang at puno ng tawanan. May kasama pang kantahan with Morissette Amon. Hindi sila nag-duet ni Kim Chiu–huwag malito at mamalikmata kung twinning man ang OOTDs nila.

Humabol din ang dalawa pang espesyal na bisita. Sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, may dalang magandang balita. Good vibes naman ang dala ng matchmate at hakbangers na nagkulitan sa ‘Step In The Name of Love.’ Matinding bosesan naman ang labanan sa ‘Tawag Ng Tanghalan Year 9.’ 

Kanya-kanya talaga tayo ng trip sa buhay. Si matchmate Miriam, 71, mahilig rumampa at umawra. Pero ang nakilala niyang hakbangers, mukhang ‘good boys’ na conservative at homebody. Makahanap kaya siya ng lalaking makakasabay sa mga trip niya? 

Biyuda for 16 years si Miriam, kaya ang motto niya ngayon sa buhay, enjoy and be happy lang. Sila ni bestie Noli, huge fans ni Vilma Santos, at kaibigan ang turing sa kanila ng aktres. Kaya naman si Miriam, parang Ate Vi ang galawan. Sweet sixteen yarn? Napansin din ni Vice Ganda ang butterfly tattoo nito. Mommy Miriam, ano nga ba ang ibig sabihin n’yang paru-paro? 

Samantala, kahit ‘kinilabutan’ si Vice Ganda kay hype bestie Noli, nag-enjoy siyang kausapin ito, lalo pa’t napakaraming baon na kuwento. Sabi ni Noli, ang BFF niya ay palangiti. At ‘pag dumidikit ang braso sa lalaking bet niya, para itong kinukuryente at kinikiliti. Kung magkaka-jowa si Miriam, gusto niya ‘yung lalaking mahilig mag-update. Pwede rin naman ‘yung magkasama sila sa mga rampa para ‘di na need mag-update pa. 

Minsan na din itong sumubok na makipag-date. Pero naudlot, dahil ang larawan ng  namayapang asawa ay biglang nahulog. Ito ba ‘yung sinasabing “nang-ghost?” Feeling niya’y nagparamdam si ex-hubby, kaya umatras si Mommy, baka pa “multuhin” siya, eh.

Pero dito sa ‘Step In The Name of Love,’ tuloy na tuloy ang date, kahit pa dalawang hakbangers ang idineklarang mismatch. Si Tatay Jesse, 72, biyudo at nagseserbisyo sa kanilang barangay, aminadong hindi masasabayan ang mga trip ni Nanay. Mas bet niya ang mag-stay sa bahay at makipag-bonding sa pamilya kaysa lumabas at rumampa. Conservative kasi si Tatay Jesse. Na-mismatch din si Tatay Junior, ang ‘good boy’ ng grupo, na umatras dahil sa ‘multo’ ni Miriam. Ang tanging naiwan sa hagdan ay ang biyudo na si Danny. Mukhang it’s a match dahil pareho silang masayahin, always smiling at game. 

Sa pagpapatuloy ng ‘Tawag Ng Tanghalan Year 9,’ tatlong tinig ang narinig ngunit isa lang ang maaaring manaig. 

Unang sumalang sa entablado si Luna Dizon ng Pampanga. Jazzy feels ng “Creep” performance niya, nagustuhan ni hurado Kyla.

Buo ang loob ni Anthony Dal ng Camiguin na maagaw ang golden mikropono. Pinuri rin ni hurado Mark Bautista ang pagkanta niya ng “You Are Beautiful.” Sa kabila ng pinagdadaanan sa kalusugan dahil sa sakit na leukemia, hindi tumitigil si Anthony na ilaban ang pangarap para sa sarili at pamilya. Pinalakas naman ni Vice Ganda ang loob niya. Hinangaan din ng ‘Showtime’ host ang kan’yang tapang at positibong pananaw sa buhay. 

Si Anthony ang umabante sa KanTapatan round kung saan nakaharap niya ang defending champion na si Jude Albert Tankion, na kinanta ang  “It’s A Man’s Man’s Man’s World.” 

May kanya-kanyang strengths sina Anthony at Jude, ayon kay Punong Hurado Louie Ocampo. Pero sa dulo, nanaig ang tinig ni Jude, na pasok na sa ikalawang koponan matapos makakuha ng tatlong sunod-sunod na panalo.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, nakilala ang suot na sapatos ni Johaira | It’s Showtime | Cheezmis