Comfort food is the key para mapagaan ang feelings mo today. Pwede rin naman ‘yung nature walk, o kaya sound trip ng paborito mong playlist. Pwedeng pakinggan ang romantic kantahan nina JM Dela Cerna at Marielle Montellano.
On repeat talaga ang kilig ‘pag JMielle ang nag-duet. Literal na *with feelings* they’re making beautiful music together, pero mukhang beautiful din ang moments nila off-cam and beyond the stage. Ang galing mangulit ng Showtime family, kaya si JM, napa-confess unexpectedly. Pag-amin niya, kinikilig daw siya ‘pag kasama si Marielle. At para naman kay Marielle, “nag-uumapaaw na happiness” ang feels with their new single na sinulat ni Ogie Alcasid.
Paano mo ide-describe ang tamis ng unang halik sa isang ‘senior’ tita na ‘never been touched, never been kissed’?
Aliw ang mga kaganapan sa ‘Senior Edition’ ng Step In the Name of Love featuring matchmate Bhabes and her BFF Esmer, na mga kaibigan din pala ng mommy ni Vice Ganda na si Nanay Rosario aka Paquita. Kuwento ni Bhabes, second year high school, 16 years old, nang una at huli siyang magkaroon ng romantic relationship na isang taon din ang itinagal. Naikuwento pa ni Bhabes kung gaano kahigpit ang pagliligawan nila noon. Para bang eksena sa mga lumang pelikula.
Ang tanong–bakit nga ba hindi na siya muling nagmahal pa? Dahil daw sa childhood trauma. Na-witness niya ang abuse na pinagdaanan ng ina, dahilan upang makaramdam siya ng takot na magmahal at masaktan. Noong una’y masaya siya sa pagiging single tita, pero habang tumatagal ay nakakaramdam siya ng lungkot sa kan’yang pag-iisa. Nagkaroon naman si Bhabes ng ka-something sa simbahan kung saan sila nagse-serve. At nang mabuko kung sino ang lalaking ito, pati si Meme ay naloka. How true na naging ex daw ito ni Paquita? Naku, Nanay Rosario, meron ka bang itinatagong sikreto?
Kung si Bhabes ay always smiling at mala-Vilma Santos ang sweetness, si BFF Esmer naman daw ay parang karakter ni Rosemarie Gil ang datingan dahil sa ‘katarayan.’ Pati si Vice Ganda ay walang palag sa mga pag-irap ni Mommy Esmer, at mga sagutang no filter! Ganyang ganyan nga ang mga nakalakihang ‘taong-simbahan’ ni Meme! She remembers so many people, pati ang kinalakihang lugar, inalala niya at ikinuwento kay Anne Curtis ang ‘condominium’ sa lugar nila. Ay, teka! Si Karylle, napatanong ng, “Who wore it better?” dahil sa matching sporty outfits ng mag-sisterette. At may isang bagay daw na meron si Vice pero wala naman kay Anne! Uy, ano ‘yan? Panoorin ang video para malaman.
‘Pag twinning ang kasuotan, promise, sign ‘yan ng matibay na pagkakaibigan. Parang friendship nina Bhabes at Esmer! Flex kung flex si Esmer sa kan’yang BFF. Tiyak daw na manghihinayang ang hakbangers ‘pag nag-step down sa sis Bhabes niya na “walang tapon.” Dagdag pa niya, si Bhabes ay malinis sa katawan at palaging mabango at maayos din ang pananamit. Dahil conservative, bawal ang masyadong mabilis, hindi pwedeng agad-agad may kiss. Pero dahil sa words of wisdom ni Vice Ganda, tila nawala ang takot ni Bhabes, at sinabing ready na siya sa tamis ng unang halik. Si Bhabes, istrikto rin sa ilang aspeto, katulad ng pakikipag-inuman sa mga kaibigan.
Naiintindihan naman ‘yan ni hakbanger Mateo, ang ex-OFW na masarap magluto ng laing at ‘matic sasayaw kapag nakarinig ng music. Napa-step up din si Joe, driver na hiwalay sa asawa at gusto ng babaeng masinop at malinis. Kuwentuhan pa lang ay tila na-fall na rin si Rudy, 67, sari-sari store owner.
Pero sa huli, si Joe ang pinili. At mukhang may magaganap na double date. Papayag ba si Esmer na pumili rin kina Mateo at Rudy ng makaka-date?
Hindi lang si Anne Curtis ang nagbalik, dahil the defending champion “is return” also (if you know, you know) sa Tawag Ng Tanghalan Year 9.
Sinubukan ni Zamae Comia na agawin ang golden mikropono mula kay defending champion Jude Albert Tangkion. “Open Arms” ang inawit ni Zamae at “Love of My Life” naman ang kay Jude Albert.
Nagustuhan ni hurado Kyla ang simplicity ng performance ng humamon, samantalang good vocal placement naman ang pinuri ni hurado Jed Madela sa hinamon. Good job daw pareho sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo. Pero isa lang ang pwedeng tumuntong sa tuktok ng entablado. At ‘yan ay ang dating kampeon, Jude Albert, na may 92.3% score. Samantala, 89.3% naman ang nakuhang grado ni Zamae.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
