← Back to Home
Erlie, minsan napagkamalang si Ivana Alawi | It’s Showtime

Erlie, minsan napagkamalang si Ivana Alawi | It’s Showtime

Erlie, minsan napagkamalang si Ivana Alawi | It’s Showtime

🕒 6/30/2025, 5:24:28 AM576 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Calling all ladies, get ready for a heart-stealing performance from the ‘best boys’ BGYO! ‘Pag hinarana ka nina JL, Aki, Mikki, Nate, at Gelo, para bang dream come true. Matutulala sabay sigaw ng “I love you!” Samahan ng galawang swabe at mga matang sweet na sweet, puso mo’y magme-melt sa bawat beat. 

“All These Ladies,” kinanta nila with love overload. Tapos’ yung smile, ay puso mo’y hihimlay for a while. Ganyan ka-magnetic ang grupo, so be sure to tune in to their latest single para sa LSS na magpapa-happy sa araw mo. Teka, si Vice Ganda, nalito! Si JL ba ‘yan o si Jiro Manio? Abangan din ang BGYO sa mga shows here and abroad. 

Breaking news, Madlang People! May bagong segment na aabangan para sa mga pambatong muse ng kanilang barangay. Dito hindi pagandahan ang labanan, kundi confidence at talent, at good vibes factor ba! Basta GGSS ka, pasok ka dito sa “Breaking Muse.” 

Nangunguna sa headline ang pagpapasikat ni Erlie Pastor ng Bgy. Nazareth, General Tinio, Nueva Ecija, na  kung minsan daw ay napagkakamalang si Ivana?! Samantala, ang referee natin today ay si Ion Perez, na may baong joke na havey.  

Mula naman sa Bgy. San Isidro, Taytay, Rizal, ang muse ay walang iba kundi si Budang Cruz. Confidence runs in the blood, dahil pati tatay at tito ng dalaga, agaw-eksena. Si Vhong Navarro, muntik makagat ng tito ni Budang na kahit iisa lang ang ngipin, matulis naman! At kung si Budang ang papipiliin ng escort, ang gusto n’ya ay si Ryan Bang.  

Kanya-kanyang cheer naman ang dalawang barangay, dahil may special prize na naghihintay. Samantala, tunay na may eye for beauty and confidence ang hurados today–sina Andrea  Torres, David Licauco, at Jillian Ward. Welcome back, Ginoong David, sample na sayaw naman d’yan!  

Sa Round 2, ang mga muse, nagpasiklaban ng talento! Hugot ang drama ni Erlie sa heartbreak song niya na medyo nakakatawa. Huling-huli naman ni Budang ang kiiti ng Madlang People with her fun song number na may rap.  

Sabi ni hurado Andrea, feel niya ang lakas ng arrive ng Erlie. Samantala, pinuri naman ni hurado Jillian ang nakakahawang confidence ni Budang. Si David, tinukso, kung pipili ng leading lady kina Erlie at Budang, sino kaya ang pupusuan nito?  

Ang latest balita naman mula sa headquarters ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9,” sinubukan ni Gel Pesigan na maagaw ang golden mikropono, sa pagkanta ng “Tomorrow.” Komento ni hurado Mark Bautista, hindi contestant kundi guest performer ang datingan ni Gel. Ipinakilala rin ni Gel ang kan’yang parents, na nag-sample ng duet.  

Si defending champion Alexa Salcedo, kinanta ang “Don’t You Worry ‘bout a Thing.” Kung pansin n’yong hindi siya kabado, sa murang edad kasi ay sanay na siya sa entablado. Nag-perform na siya sa isang talent expo. Sumingit naman si Jhong Hilario. Nag-perform din daw sa katulad na event ang grupo niyang Streetboys, kaya reaksyon ni Vice Ganda, “Eh, ‘di congrats ka rin namin?”  

Pagkatapos ng kantahan at kulitan, nag-comment si hurado Nyoy Volante sa performance ni Alexa, na pinuri niya for her range and timing. Dagdag ni Punong Hurado Louie Ocampo, he liked how Alexa owned the stage, na para bang nag-e-enjoy lang siya. But, for hurado Louie, pinakmagaling pa rin si Jackie Gonzaga, na hindi magsasawang mag-sample ng “I Have Nothing” hanggang sa ma-perfect niya ang singing.  

Pagkatapos ng kantahan at kulitan, nagbigay ng komento at scores ang mga hurado. At sa dulo, nanaig ang tinig ni Alexa, our defending champion. 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Erlie, minsan napagkamalang si Ivana Alawi | It’s Showtime | Cheezmis