← Back to Home
Klarisse, masaya na muling makita si Meme Vice | It’s Showtime

Klarisse, masaya na muling makita si Meme Vice | It’s Showtime

Klarisse, masaya na muling makita si Meme Vice | It’s Showtime

🕒 6/21/2025, 5:07:54 AM671 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Ang OA ng energy ng Madlang People this Saturday! Dahil may pa-concert sa “It’s Showtime” stage ang ‘Nation’s Mowm’ and PBB Collab’s Kusina Queen, Klarisse de Guzman.  Idinaan lang naman sa Christina Aguilera medley ang pasabog na comeback performance! 

Syempre, hindi pwedeng walang sample ng, “OA!” Sorry, Klarisse ha, na-miss ka lang talaga ng madla. Lahat ay proud sa Kuwela Diva, especially Vice Ganda, na ang hiling ay sana’y mas lumago pa ang karera ng bagong ka-hair-alike niya. 

OA din ang kilig! Noon ay itinatago ni Klarisse ang pangalan ng mahal, nagpapanggap na si “Bogart” ang jowa niya, at pati nga si Punong Hurado Louie Ocampo na-joke time ni mowm. Well, not anymore! This time, loud and proud, ipinagsigawan ni Klarisse ang “I love you” para sa partner niyang si Trina. 

Sa pagbabalik ni Klarisse sa outside world, promise niya na mas dadalasan ang pagkanta, na super na-miss niya sa loob ng Bahay Ni Kuya. At malay n’yo, ang kusinera ni Kuya, baka magka-cooking show! 

Ang pinakamasarap na bisyo ay ‘yung magmahal nang tapat at buo. Isang senior matchmate ang muling sumugal sa pag-ibig dito sa “Step In The Name of Love.” 

Nakilala natin si Precious, 70, and her equally lovable bestie na si Connie. Kung si Connie ay kinilig sa kiliti ni Vice Ganda, si Precious naman ay kinilig sa mga hakbangers na nahumaling sa kan’ya. Kuwento ni Connie, likas na mabait ang kaibigan. Hindi ito lumalaban o pumapatol kahit inaaway ng ibang tao. Uunawa at magpaparaya ito. 

Basta ang importante, may mahjong sessions with the kumares. Sa bahay ni Connie ang laro every weekends. Kaya alam niya kung paano ito manalo, at kung minsa’y natatalo rin ng libo-libo. Pero libangan lang naman ito ng mga lola n’yo. Bukod sa mahjong, may isa pa itong “bisyo,” ang paninigarilyo at pagve-vape. Pero kung pagbabawalan ni future jowa, handa naman siyang tumigil.

Kung bisyo ang usapan, keri lang daw kay Tatay Leon, 73, retired engineer. Dahil siya man ay may bisyo, ang sabong. Quits lang! Pero minsanan lang naman ang pagtaya niya sa cockfighting, mas busy siya sa farming. Umakyat din nang tatlong beses si Robert, 71, dahil naiintindihan niyang libangan lang ni Precious ang mahjong. Nauunawaan din ni Mel, ex-security guard, ang pagma-mahjong ni Precious. ‘Yun nga lang, hindi niya nagustuhan ang paninigarilyo nito, dahilan upang bumaba siya nang isang beses. 

Matapos ang pagkilatis, nahanap rin ni Precious ang winning tile. Sa tatlong hakbangers, ang napusuan ay ‘i-chow,’ Tatay Leon! 

Sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9,” tatlong mang-aawit naman ang sumugal sa kanilang mga pangarap.

Nanganib ang laban ni Michelle Jalover ng Iligan City matapos mabilangan nang dalawang beses habang kinakanta ang “Pusong Ligaw.” Nalungkot man, laging iniisip ni Michelle ang payo ng ama na push lang nang push sa pagkanta. Ipinaliwanag ni Punong Hurado Louie Ocampo na shaky ang boses ni Michelle, ngunit hindi niya itinuloy ang paghudyat sa gong upang hindi ito mapanghinaan ng loob, bagkus ay ma-encourage pa na galingan sa susunod. 

Napa-standing ovation si Dingdong Avanzado sa pagkanta ni Kent Villarba (ng Dalaguete, Cebu) ng “Sa Susunod Na Habang Buhay.” 

“Well sang” naman kung ilarawan ni hurado Marco Sison ang bersyon ni Zamboanga del Sur bet Jhomarie Buhisan ng “The Warrior Is A Child.”

Sina Kent (95.7% score) at Jhomarie (92.7%) ang aabante sa KanTapatan sa Lunes.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Klarisse, masaya na muling makita si Meme Vice | It’s Showtime | Cheezmis