← Back to Home
Vice Ganda, napatayo dahil sa sinabi ni bestie Virgie | It’s Showtime

Vice Ganda, napatayo dahil sa sinabi ni bestie Virgie | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/18/2025, 5:49:55 AM652 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta#Step In The Name of Love

Sino ka sa classroom? Kaway-kaway sa mga bibo kids na mahilig magtaas ng kamay sa recitation! At kung ikaw naman ‘yung tipo na paboritong ‘subject’ ang lunch time, makikisalo muna ang ‘Showtime’ family dahil bitbit nila always ang isang masayang FUNanghalian. Pero kung na-late ka sa ganaps, panoorin itong video at balik-balikan! At sa mga cool and talented kids na paboritong subject ang music, maki-jam with It’s Showtime’s very own boy group, 4Play, na kinabibilangan nina Miah Tiangco, Eich Abando, Mark Justo, at Ian Manibale. From resbakers to popular crooners! Deserve! Boses nila’y sobrang swabe ang hagod. Parang excellent performance sa school na deserve matatakan ng star at ‘very good.’ At sa sobrang heartfelt ng tugtugan, parang may nag-relapse nang ‘di inaasahan. Si Tyang Amy Perez ang bunot sa tuksuhan. ‘Pag ganyang mga bosesan, may naaalala ka ba, Tyang? Kung relate ka sa kilig-kiligan na asaran sa classroom, ganyang-ganyan ang feels sa getting-to-know-you session ng tatlong hakbangers at ni matchmate Lyn, 65 years old, na huling umibig 40 years ago. Ang laki ng numbers, nahirapan tuloy mag-compute sina Vice Ganda at Jhong Hilario! Matagal-tagal na ang panahong nakalipas, pero ang kakayahan ng pusong umibig ay hindi kumukupas! Si Lyn, secretary ng isang doktor, sinamahan ni BFF Virgie. BFF nga ba, ‘te?! Eme! Sa unang round of flexing, ibinida ni Virgie ang pagiging mapagbigay ng kaibigan na lagi siyang nireregaluhan ng sapatos. Pero habang tumatagal ay parang nag-iiba ang mood ni BFF. Biro nina Vice Ganda, parang may lihim na samaan ng loob sa isa’t-isa. ‘Puksaan’ na! Kuwento ni Virgie, ang kaibigan niya’y matapobre. Bukod sa paggagala, bonding nila ang ‘shot-shot’ tuwing Sabado. Pero, sabi ni Virgie, ‘pag nalalasing si Lyn ay napapasayaw ito at nagkukuwento tungkol sa ideal guy niyang moreno. Bothered lang si bestie dahil moreno ang kan’yang hubby! Minsan din ay inaaya ito ni Lyn na mag-join sa inuman session, at paminsan-minsan ay nireregaluhan din ng damit. Oh, no! Si BFF, mukhang may lihim na galit?! Nagpaliwanag naman si Lyn na walang dapat ipangamba ang kaibigan niya dahil wala siyang balak na manira ng pamilya. At gets ‘yan ng tatlong hakbangrs na tatlong beses din umakyat sa hagdan ng forever. Si Villy, sari-sari store owner, natutunan ang kahalagahan ng oras mula nang pumanaw ang asawa, kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na magkaroon ng bagong kakilala. At kung si Lyn ay ‘mapangmata,’ eh ‘di pipikit na lang siya. Si Art, canteen owner na hindi na inuwian ng misis na OFW, babasahan na lang si Lyn ng Bible verse. Marami rin ang natuwa kay Boni, laing seller, sa sinabi nitong hindi niya huhusgahan si Lyn dahil lang sa kuwento ng iba. Panloob na kabutihan ang tinitingnan niya. Nakaka-proud ang tatlong daddies, ‘di ba? At nakaka-happy rin na makita si Lyn na masaya dahil finally, after 40 years, may ka-date na siya! At ang nakasungkit ng kan’yang puso, swak sa ideal type niyang moreno! Music ang last subject natin before dismissal. Ang activity natin for today ay KanTapatan ng defending champion at humamon sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.” Unang sumalang sa entablado ang humamon, si Alcher Abuan ng Zamboanga Sibugay na kinanta ang “Byahe” ni John Roa. Pero sabi ni hurado Mark Bautista, inangkin ni Alcher ang kanta, para bang original niya. Kaya waiting and manifesting si Hurado Mark sa original songs ni Alcher in the future. Agree naman si Punong Hurado Louie Ocampo na pinuri ang straight tones at good storytelling ng batang mang-aawit. “‘Til I Met You” naman ang panlaban ni Precious Baraquil. Sabi ni hurado Nyoy Volante, buti na lang nagtiwala si Precious sa ganda ng boses niya dahil hindi na kailangan ng maraming arte, sapat na ang pagiging simple ng tinig nito. Dagdag pa ni Sir Louie, good vibrato ang isa sa mga strengths ni Precious. Nanaig ang tinig ni Precious sa score na 93.7%. Isang panalo na lang ang kailangan upang siya ay makapasok sa koponan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, napatayo dahil sa sinabi ni bestie Virgie | It’s Showtime | Cheezmis