← Back to Home
Ryan Bang, kinabahan sa sinabi ni Ma’am Charo | It’s Showtime

Ryan Bang, kinabahan sa sinabi ni Ma’am Charo | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/11/2025, 4:56:09 AM725 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta#Step In The Name of Love

Manifesting na ang savings account mo ay maging tulad ng Wednesday episode ng “It’s Showtime”na siksik at liglig! Opening pa lang, ang dami na agad nangyari. Bumisita lang naman kasi ang two of the brightest icons ng Philippine showbiz, sina Charo Santos at Dingdong Dantes, na nagkuwento tungkol sa pelikula nilang “Only We Know.”

And now we know! Ganito pala sila kakulit! Hiritan mo sila ng TikTok dance, hindi na magpapapilit. Game agad si Ma’am Charo. At magpapahuli ba naman si Dingdong, na nakilala rin bilang dancer noon?

Meron pang impromptu pitching na naganap. Si Charo, inudyok si Vice na gumawa sila ng pelikula. “Pero ang role mo, double ko,” sabi niya kay Meme, na may nakakaaliw namang reaksyon.

Mula sa masayang kuwentuhan at asaran at pa-TikTok, diretso na sila bilang partners sa KIDSONA (Songs of the Nation Address). Nakalaban nila ang tandems nina Cianne Dominguez at Jugs Jugueta, Teddy Corpuz at Ryan Bang, Kim Chiu at Ion Perez, Jackie Gonzaga at Lorraine Galve, at ViceRylle (Vice and Karylle).

Mukhang mahirap talagang kalaban ang isang power woman na former boss mo pa! Si Ryan, mas lalong nabulol, at parang namutla nang sabihin ni Charo na last day na niya. At ‘yung mga ‘pala-absent’ sa show, lagot kay Charo. Sabi ni Meme, walang laglagan pero siya pa ang nagsumbong. Mas okay na raw ‘yun kaysa madamay pa! At nang sina Charo at Dingdong ang manalo, wala namang reklamo, dahil deserve. Ginalingan din, eh!

Sa sobrang saya ng ‘seniors edition’ ng Step In The Name of Love, nakahanap ng baging kumare si Vice Ganda. Ang dami nga nilang chika at “pinag-awayan” sa loob ng isang segment lang.

Bago ang lahat, kilalanin muna natin si matchmate Emie, 65, na walang inaayawan sa dance floor. Pero, pagdating sa tao, ayaw niya sa marumi at mabaho. Kaya asahan mong laging maayos ang kan’yang pustura at malinis ang bahay niya. Magaling itong mag-organize ng parties and gathering, magaling din magluto, ‘yun nga lang ay may ‘suplda’ side. ‘Pag ‘di ka niya bet maging kaibigan, literal na ika’y tatalikuran.

Hindi naman siya tinalikuran ni Hermy, 66, school guard; pati ni Rey na lay minister sa kanilang simbahan. Dalawang beses silang umakyat sa hagdan. Pero ang biyudo na si Ricky, 75, dalawang beses namang nag-step down. Mas prefer kasi niya ang mas bata, ‘yung 60 years old pababa. Biro tuloy ni Meme, ipares na lang si tatay kina Kim at Jackie.

Perfect pares naman sina Vice Ganda and hype bestie Zeny, her newest frenemy. Ang daming nakakaaliw na banter! Nand’yan ‘yung diretsahang sinabi ni Zeny na marumi raw ang utak ni Meme, pero kukunin niya itong ninang sa kasal ng anak niya para sila’y maging magkumare at makahingi ng unlimited passes sa “It’s Showtime.” Mindset ba, mindset.

Intense ang ‘bardagulan’ ng mga boses na palaban sa Tawag Ng Tanghalan Year 9.

Sumalang sa entablado ang pambato ng Cebu City, si Isay Alvarez, na bumirit ng “Maybe This Time.” Napasayaw ang Showtime hosts dahil sa performance ni Isay. Samantala, “maaliwalas” kung ilarawan ni hurado Nyoy Volante ang boses ni Isay na masarap daw pakinggan.

Si Rubi Tecson ng Iligan City, bumirit ng “Naririnig Mo Ba.” At narinig nga ni hurado Jed Madela ang magandang kalidad ng boses niya. Sabi ni Jed, magandang training talaga ang pagbabanda dahil tulad ni Rubi ay sa pagbabanda rin siya nagsimula. Dagdag na komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, maganda ang texture ng tinig ni Rubi.

Matapos ang laban, si Rubi ang itinanghal na daily winner with 93.7% total score, samantalang 92.7% naman ang nakuha ni Isay. Babalik si Rubi bukas upang harapin ang defending champion na si Jeramae Edquilla.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.