Mga ginigiliw na Madlang People, makinig na at makisali sa laro kung saan ang mga awitin ay bibigkasin na parang makatang huhuli sa’yong damdamin. Dito lang ‘yan sa “Kid Sona (Songs of the Nation’s Address).”
Makatang Pinoy ang awrahan nina ‘Showtime’ kids Argus, Jaze, Briseis, Ayesha, Kelsey, at Kulot sa bago nilang costumes. Biro ni Vice Ganda, hiningi pa nila ‘yan sa mga elementary students. Tipid-tipid din ‘pag may time!
May time mag-isip ng kakaibang gimik ang mga players na magkakapares. From the trending Kim Seon Ho smile challenge at iba pang TikTok steps, kan’ya-kan’yang paandar sa pagpapakilala sina Ion Perez at Jugs Jugueta, Vhong Navarro at Cianne Dominguez, Amy Perez at Jackie Gonzaga, Ogie Alcasid at Kim Chiu, Vice Ganda at Ryan Bang, at Darren Espanto at Teddy Corpuz.
Agad-agad ay naka-one point sina Vice at Ryan nang mahulaan ang “Ako Ay Pilipino” na binigkas ni Argus. Hirit ni Meme, kung si Jugs ang sumagot, baka naging, “Ako ang kinikilo.” After three rounds, bokya pa rin sina Ogie at Kim, kaya ang Chinita Princess, napakanta na lang ng Chinese song.
Matapos ang pitong kanta, sina Vice at Ryan ang panalo with 3 points!
O.A. sa energy si Ogie Alcasid na ‘maliit’ man ang height pero malaki ang mga reaksyon sa gitna ng masayang kuwentuhan sa ‘Step In The Name of Love.’ O.A. rin sa pagiging solid ang friendship na nahanap ni KC with her bestie Lou. Mahanap din kaya niya ang potential forever sa tulong ng BFF?
Sa unang round of flexing, ipinagmalaki ni Lou that her best friend is very caring. Hindi nito pinapalipas ang araw na may kaaway. Kaya ‘pag siya ang naging gf mo, bago matapos ang gabi, for sure ay magki-kiss and make up kayo. Matalino rin si KC sa ekswela. At sa edad na 22, matapang itong nakipagsapalaran sa Maynila para maging working student.
Sounds impressive para sa tatlong ‘hakbangers’ na sina Dwight (aspiring cabin crew), Seb (fresh grad), at Benj (call center agent). Lahat ay napa-step up for KC’s maturity and strength.
Spontaneous din si KC, according to Lou. Masayang kasama sa mga trip at dates na biglaan. ‘Yun nga lang, malakas sa inuman. Social butterfly ang dalaga, literal na lilipad from one table to another to make new friends. Dito na-turn off sina Dwight at Benj, na nag-step down. Samantala, nag-step up pa rin si Seb, na willing maging bodyguard ni KC sa mga gimikan.
Pero sa round 3 kung saan nagdesisyon ang hakbangers based on KC’s physical beauty, lahat sila ay hindi nakita ang maputi at chinita at matangkad na babaeng pinapantasya. Ang tatlong binata, bumaba!
Si KC, umuwi pa rin na happy! Matapos niyang pababain sina Dwight at Benj, pina-step up niya si Seb, na siyang makaka-date niya.
Tumaas ang thrill sa ikatlong laban ni Third Moranto bilang defending champion ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.” Isa kina Rob Limbawan ng Cavite at Roy Vincent dela Cruz ng Bulacan ang sumubok na pabababin siya sa kan’yang trono.
Malinis na runs at tasteful notes ang pinuri ni hurado Nyoy Volante kay Rob, na kinanta ang “She Used To Be Mine.” Si Rob, aminadong makakalimutin, pero hindi niya makakalimutan ang pagmamahal ng ina, na inspirasyon niya sa pagkanta.
Tungkol naman sa placement ang payo ni hurado Erik Santos kay Roy Vincent, isang loving daddy, na hinaplos ang puso ng mga manonood sa pag-awit ng “Dear Kuya” ni Ebe Dancel.
Sa KanTapatan round, hinarana ni Third ang madlang people with his soulful rendition of “Incomplete.” Walang duda sa husay ng 19-year-old pambato ng Quezon City, pero payo ni Punong Hurado Ogie Alcasi kay Third, i-strengthen pa ang boses.
Magandang laban ang ibinigay ni Rob , na kinanta ang “Buwan” ni JK Labajo. Walang ibang nasabi si hurado Ogie kundi napakaganda ng pagkanta nito.
Naharang ni Rob ang pagpasok ni Third sa nag-aabang na koponan, matapos niya itong talunin with a score of 94% vs 92.%.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
