← Back to Home
Tatay Cesar, naniniwalang mas 'MARITES' ang mga lalaki | It’s Showtime

Tatay Cesar, naniniwalang mas 'MARITES' ang mga lalaki | It’s Showtime

Tatay Cesar, naniniwalang mas 'MARITES' ang mga lalaki | It’s Showtime

🕒 5/31/2025, 5:40:53 AM827 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Magpapalit na naman ng buwan. Kumusta ang 2025 mo so far? Malayo pa pero malayo na, ‘di ba? I-celebrate natin ‘yan sa isang hugot-filled rakrakan kasama ang mga pinakabagong kampeon ng tanghalan, sina Marko Rudio at Carmelle Collado. Sobrang swabe ng kantahan, bagay sa Sabadong chill lang!

Kung bet n’yong i-extend ang ‘concert’ performance nila, abangan sina Marko at Carmelle sa kani-kanilang shows. Biro ni Vice Ganda, masyado nang napapamahal si Marko sa mga fans sa Middle East kaya panay ang balik nito. Proof? ‘Yung mga gold sa katawan ng rakistang hugutero! May kakantahin rin siyang theme song ng isang bagong teleserye. Abangan!

Samantala, nagpasalamat si Vice Ganda sa Village Pipol para sa mga parangal na nakuha sa katatapos lamang na VP Choice Awards.

Bawal ang nega! Bawal ang bitter! Sige ka, hindi mo mahahanap si forever! Gayahin na lang ang mga ‘seniors’ na positive lang ang mindset pagdating sa pag-ibig at game pa rin sa dating scene.

But, first of all, sayawin muna ang steps ng ‘Step In The Name of Love” theme song. May sari-sariling versions sina Vice Ganda, Jhong Hialrio, Vhong Navarro, at Kim Chiu. ‘Yung kay Jhong, pwede raw sa opening ng zoo. At ‘yung kay Kim, bagay sa commercial ng feminine wash. ‘Naloka’ nga lang si Meme Vice sa hirit ni Kim na, “Mayabang, naghugas!”

Kaunting ‘yabang’ ang kailangan, ‘yung bang tamang confidence lang para mapansin ni matchmate Letty, single mom, never been married, at 33 years nang walang jowa. Kasama niya si BFF Bebot, na todo ang support. Wala mang social media sa kanilang kapanahunan, nanatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan.

Pero ngayong may social media na, pampatibay rin ‘yan ng friendship nila. Dahil ang mga mommies, aminadong ‘marites.’ Madalas pag-usapan ang posts ng iba pa nilang kaibigan. Aminin, relate kayo d’yan! Pero ‘di baleng tsismosa, masarap namang magluto si Nanay Letty. Minsa’y nagbebenta ito ng ulam para may ekstrang pagkakitaan. Natural itong masayahin at suki ng mga parlor. Pero, meron siyang ‘kakulangan’ na dahilan para makaramdam ng insecurity.

Pagkatapos ng kuwentuhan, ang mga hakbangers, sabay-sabay na umakyat ng hagdan. Na-impress si Abo, 61, maintenance janitor. May siyam na anak. Pumanaw ang kan’yang misis dahil sa COVID-19 pero ngayon ay handa nang magkaroon ng bagong kakilala. Forda step up din si Cesar, tricycle driver; at si Bench, ang 46-year-old loving grandpa na may photo-video coverage business.

Dahil kung pagiging ‘marites’ lang ang usapan, sabi ni Tatay Cesar, uso naman daw ‘yan. Aminadong tsismoso silang magbabarkada. Halimbawa, ‘pag si pare ay hindi umuwi sa bahay, sa tsismisan pupulutin kinabukasan. Natatawang sumang-ayon si Tatay Bench – Tolits daw siya, as in ‘Tol, anong latest?’

Mukhang pare-parehong magkakasundo sina matchmate, BFF, at hakbangers! Pero matapos ang ‘akyatan’, si Tatay Bench ang napiling ka-date ni Nanay Letty.

Ito ang latest sa ‘Tawag Ng Taghalan Year 9’!

Alam n’yo ba? Sumalang sa entablado si Aaron Lao ng Bulacan na kinanta ang “Beautiful Things” ni Benson Boone. May “little imperfections” na napuna si hurado Nyoy Volante pero pinuri nito ang good communication ni Aaron habang kumakanta.

Mula naman si Laguna, si Elaiza Valenzuela na bumirit ng “Maghihintay Ako” ni Jona. Short but honest ang comment ni hurado Erik Santos, saying, “a bit shaky” ang pagkakakanta ni Elaiza.

Heto pa ang tsismis! Sina Aaron at Elaiza, may pinagdadaanan sa buhay pag-ibig. Ang hirap talagang mag-move on. Naibahagi tuloy ni Vice Ganda ang realizations niya sa pelikula nina Charo Santos at Dingdong Dantes. Bakit nga ba ang magagandang bagay ay mabilis mawala? Naku! Pati mga hurado, tinamaan sa hugot nina Meme at ng contenders!

Si Aaron ang umabante sa KanTapatan round kung saan nilabanan niya ang defending champion, singing “Iris.” Nagustuhan ni Punong Hurado Louie Ocampo ang pagiging raw at organic ng performance nito.

Binigyan niya ng magandang laban si defending champion Lucky Nicole Galindez na talaga rin namang mahusay ang pagkaka-awit ng “Come on in out of the rain.”  Fabulous din kung ilarawan ni Hurado Louie ang performance ni Lucky.

Akala ni Lucky ay tapos na ang kan’yang TNT journey matapos i-anunsyo ang pagkakapanalo ni Aaron. Pero hindi siya tuluyang pinababa ng entablado, dahil tie ang scores nilang dalawa. Pero dahil iisa lamang ang pwedeng manatili sa itaas, muli silang maghaharap sa Lunes, at lalaban sila ng buong puso at lakas. 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tatay Cesar, naniniwalang mas 'MARITES' ang mga lalaki | It’s Showtime | Cheezmis