← Back to Home
Vice Ganda at Jhong, sinubukan ang galing ni Sharmaine sa aktingan | It’s Showtime

Vice Ganda at Jhong, sinubukan ang galing ni Sharmaine sa aktingan | It’s Showtime

🕒 2/6/2025, 5:25:45 AM541 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Huwebes nang tayo'y magkasiyahan. Mga puso nati’y masayang nagtatawanan. Ating pagsaluhan ang espesyal na araw at kantahan kasama ang nag-iisang Asia's Songbird, Regine Velasquez. Sa boses niya na malambing at mataas, feeling mo idinuduyan ka sa alapaap.

Kung ito ay Tawag Ng Tanghalan, aba, may humamon sa kampeon. Alam n’yo naman, ‘pag biritan ang usapan, hindi aatrasan ni Jackie Gonzaga ‘yan. Tinuruan din ni Regine ang ‘Showtime’ family ng vocalization technique. At nasorpresa siya dahil kuhang-kuha ni Ryan Bang. Pero, Ms. Reg, gusto mo ba talagang marinig ang singing voice ni Ryan?

Teka, nandito si Regine pero wala si Ogie Alcasid. Nasa’n nga ba ang Lolo Geng Geng ng Sowtime family? At kung si Ogie ang Lolo Geng Geng, payag ba si Regine na maging Lola Geng Geng din?

“Pambansang Abs” kung tawagin si Jak Roberto. Napa-request tuloy si Bela Padilla. Jak, baka naman daw pwedeng pasilip ng abs!

Kung ang request mo naman ay wit, talent and beauty, sagot na ‘yan ng mga binibini na rumampa sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’ First to slay sa entablado si Sexy Babe Sharmaine na parang sunshine ang dating. She’s a fitness enthusiast and aspiring businesswoman and actress. Kaya sinubukan nina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro ang acting skills ng Sexy Babe, at natupad pa ang pangarap nilang lahat na ma-direk ni Bela.

Pet lover naman si Sexy Babe Shaine na ipinagmalaki ang ‘ubod’ ng Bulacan. Ipinagmamalaki rin niya ang magandang relasyon niya sa kan’yang mga magulang. Napaisip tuloy sina Vice at Bela, kumusta nga ba ang relasyon ng mga makabagong kabataan sa mga kasama nila sa tahanan?

Kumustahin din ang SEXY AuthoriTEAM members na sina Chelsea Manalo at Chie Filomeno. Nagkakaturuan na kung sino ang dapat mag-prod sa Sabado!

Hindi maliwanag ang buwan pero may naglalaro ng tagu-taguan. Isang mystery celebrity singer na naman ang manlilinlang sa ‘Hide and Sing.’

This Thursday, ang TagaHula ay walang iba kundi si Inspirational Diva, Jamie Rivera. Inspiring din ba ang performance niya sa guess-sing? Sa Round 1 kung saan nag-perform ang tatlong TagoKanta as a group, naisip ni Jamie na baka si Randy Santiago ang celebrity singer dahil sa kantang “Babaero.” Sabi niya, tunog-Randy sa boses; pero sa kilos, ekis.

Speaking of kilos, agad napansin ni Vice Ganda ang very swabe lang na tindig ni Singer 2 ‘pag kumakanta. Hindi man niya mabanggit ang pangalan, pero kilala raw ni Meme si TagoKanta 2 dahil sa boses nitong walang katulad, na mas lumitaw matapos awitin ang “I Just Can’t Smile Without You.”

After the solo performances, nahuli rin ni Jamie si TagoKanta 2, na walang iba kundi si OPM balladeer si Marco Sison.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda at Jhong, sinubukan ang galing ni Sharmaine sa aktingan | It’s Showtime | Cheezmis