← Back to Home
Sexy Babe Janesse, inamin na crush niya si Vice Ganda | It’s Showtime

Sexy Babe Janesse, inamin na crush niya si Vice Ganda | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 2/4/2025, 5:43:20 AM661 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta

Choose happiness this Tuesday kasama ang ‘Showtime’ family mo na always havey! Dahil buwan ng pagmamahalan, tropa ni Vice Ganda ang magpaparamdam sa’yo ng tagos sa pusong kaligayahan–at katatawanan.  

Pero simulan muna natin ang Martes sa isang kantahan kasama si John Rex. Kung sa tingin mo ang paligid ay magulo na, boses niya ang sa puso mo’y magpapakalma. Sa galing ng ating bisita, napatanong tuloy si Ogie Alcasid, “May manager ka na ba?” Hirit naman ni Kuys Teddy Corpuz, “Ang manager ba ay may manager din?” Eh, bakit si Regine Velasquez na may upcoming concert, ayaw tanungin ni Ogie kung may manager na? Ah, basta, ang sigurado, siya raw ang nagma-manage sa puso ng Asia’s Songbird.

Ang pagiging sexy, hindi lang nasusukat sa pisikal na katangian kundi sa tatag ng kalooban at sa lakas na bumangon kahit ano pa man ang pinagdadaanan. ‘Yan ang pinatanuyan ng mga babe-nibining rumampa for today’s ‘Showtime Sexy Babe 2025.’

Kulang sa tulog pero hindi nagkulang si Sexy Babe Hannah sa pagiging kabogera. Nasubok ang kan’yang pagiging witty sa tanong tungkol sa skincare ni Sleeping Beauty. Boom na boom ang talent niya sa pagsasayaw ng ballroom. Pati ‘Showtime’ hosts ay napaindak. Si Tyang Amy Perez, nilapag ang dance moves niyang timeless.  

Kilig to the bones naman si Sexy Babe Janesse nang makatabi ang crush n’ya, walang iba kundi si Vice Ganda! Ayan na! Nilabas na ni Meme ang ‘pogi’ side niya. Kaya naman si Janesse parang kinikiliti nang matamis. Don’t be fooled by her soft girl aura, dahil si Janesse, pinatatag na ng mga pagsubok. Maagang naulila sa magulang, kinailangan niyang maging independent para pag-aralin ang sarili at mga kapatid. Kaya kung may hihilingin siya sa isang magic mansanas, sana raw ang bigyan siya ng lakas.  

All-out pa rin ang pagHOTaw nina Ryan Bang aka SAMgyupsal  at Ion Perez aka MeKENi. Eh, paano ‘yung sexy moves ni Darren Espanto? Sample naman d’yan, pambansang bestie!  

Usapang Valentine’s Day naman ang SEXY AuthoriTEAM. Ano bang V-Day plans nina Chelsea Manalo, JC De Vera, at Max Collins? Na na na na… listen carefully sa pagbirit ng mga TagoKanta para ang hula mo’y tumama! Samahan si Maxene Magalona sa pagkilatis at paghuli sa mystery celebrity singer na nagkukubli.  

BINI-fied ang Round 1 ng ‘Hide and Sing.’ Dahil ang tatlong TagoKanta, nag-ala BINI members sa pag-perform ng “Na Na Na.” At na-na-nabudol na nga si Maxene, dahil ang bisita natin, nalito agad kung sino ang pipiliin. Pero kung kilos at timbre ng boses ang pagbabasehan, palagay niya’y si TagoKanta 3 as Janine Berdin ang kan’yang tatayaan.

Sa Round 2, matapos awitin ni TagoKanta 1 ang “Mundo,” hula ni Vice Ganda ay Gen Z singer ‘to, as in ‘genior zitizen.’ Si TagoKanta 3, nag-whistle sa pagbirit ng “Love Takes Time.” Ay, kilala raw ni Darren Espanto. Walang ibang nagsasabi ng ‘love takes time’ kundi si Paulo Avelino na gym buddy ni Kim Chiu. Mali, sabi ni Jackie Gonzaga. Nag-whistle, so malamang MMDA officer. Ay, teka, Ate Girl parang iba ‘yun!  

Bago pa magkagulo, i-reveal na ang celebrity singer na nagtatago! Walang iba kundi si Angela Ken, na pagtuntong pa lang sa entablado ay agad nang nabuko ng best friend na si Darren. Nag-react naman si Kim; Darren, bakit ang dami mong best friend?  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sexy Babe Janesse, inamin na crush niya si Vice Ganda | It’s Showtime | Cheezmis