← Back to Home
Cianne, nag-SORRY sa mga fans ni Darren | It’s Showtime

Cianne, nag-SORRY sa mga fans ni Darren | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 2/19/2025, 6:05:42 AM710 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta

Ngayong araw ng mga mag-besties, mas maging close pa sa ‘Showtime’ family. Ang mga hosts, nag-reminisce tungkol sa paborito nilang trip with their BFFs. For sure happy si Darren Espanto na panlaban natin sa paramihan ng kaibigan.

Paramihan naman ng salitang mahuhulaan ang labanan sa ‘ANSABE.’ Nakakuha ng two words ang team nina Argus, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Wize Estabillo, with their Buli-LIP Reader Enicka. Paano makaka-perfect kung si Ryan mismo ang bulol sa pagbigkas?

Sunod-sunod ang tama ni Ayesha hanggang sa nahirapan sa ‘sopas’ ni Cianne Dominguez. Naka-four points ang grupo, kaya very confident sina Kelsey, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, at AC Soriano na hindi sila mapaparusahan for today’s video.

Mukhang kabado sina Vice Ganda, Kim Chiu, MC, at Jackie Gonzaga, with their kiddie partner Stephen and Buli-LIP reader Kulot. Makapigil-hininga ang mga eksena dahil isang minuto na ang lumilipas ay wala pang tama si Kulot. Pero totoo nga ‘ata ang himala! O baka naman umepek lang talaga ang ‘paninindak’ ni Vice sa bata?!

Nagkasukatan ng mala-Latina na ganda sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’ Napangiti na lang si Jackie, na very busy raw ang inbox lately. Sino ‘yan, Ate Girl? Kahalina-halina rin ang effortless beauty ni Max Collins, na kahit siguro hindi mag-shower o mag-toothbrush sa umaga ay magmumukha pa ring dyosa. Si Max ang pinakabagong paboritong mukha ni Vice Ganda, at ang wish niya, maging kakambal si Max sa isang project. Anong klaseng kambal, Meme? Samantala, si MC, favorite naman si Sexy AuthoriTEAM hurado Jameson Blake na pinainit ang online world with his sizzling photos.

Sa pagrampa ni Sexy Babe Sarah, tumaas ang temperatura. Tumaas din ang energy ng madla nang mapasabak siya sa isang kakaibang aktingan with Jhong Hilario annd Vice Ganda. Ang twist, kailangan nilang maipasok sa dialogue ang mga sari-sari store items na babanggitin ni MC. Mukhang pasado rin si MC sa ‘practicum’ niya as a host today.

From aktingan, kantahan naman ang forte ni Sexy Babe Patricia. Anong saya o hapdi nga ba ang naidudulot ng musika? At ano naman ang kantang iaalay ni Patricia sa mga taong mahal niya?

Ngpagalingan din ang dalawang babe-nibini sa talent portion at sa pagsagot sa mga questions. Madlang People ay napaisip nang banggitin ni Sexy Babe Sarah ang salitang solitude bilang tugon sa tanong tungkol sa pakiramdam ng isang single. Solitude?! Samantala, low-key nataranta si Ryandahil muntik nang mabasag ni Jhong ang mga jokes na magdamag daw niya pinaghandaan. Mabuti na lang havey si Ryan!

Very sweet lang ang guess-sing this Wednesday kasama si PBB Gen 11 ex-housemate Kai Montinola, na favorite singer si Lea Salonga. At nang mag-sample na siya, lahat ng nasa studio ay humanga.

Sa Round 1 pa lang ay halos sigurado na si Kai kay TagoKanta 3, na very Gary Valenciano ang tinig. Naku, Kai! Huwag magpapabudol dahil ang ibang TagoKanta, ginagaya lang ang boses ng kanilang idol. Sabi ni Jhong, kilatisin nang maigi ang mga galawan. Sige nga, tingnan natin kung may ibubuga rin ang mga TagoKanta sa sayawan!

Sa sumunod na round, nag-“Somewhere Over The Rainbow” si TagoKanta 2, at napansin ni Kai ang pagka-Erik Santos ng boses nito. At nang si TagoKanta 3 naman ang umawit ng “Fly Me To The Moon,” gets na ni Kai! Kaboses na kaboses pero hindi ito ang tunay na Gary V. Kaya ang final choice niya ay si TagoKanta 2, at ang hula niya’y si Erik nga ito.

Surprise, surprise! Ang mystery celebrity singer ay si TagoKanta 1, na walang iba kundi ang champion ng “The Voice USA” Season 26, Sofronio Vasquez.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.