← Back to Home
Alex Calleja, malaki ang pasasalamat sa It’s Showtime family

Alex Calleja, malaki ang pasasalamat sa It’s Showtime family

🕒 2/14/2025, 5:15:54 AM747 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Ang ‘Showtime’ family, pipiliin kayo araw-araw at bibigyan ng mahiwagang love at happiness. Anuman ang estado ng puso mo, sabay-sabay tayong ma-in love sa isang heartfelt jamming kasama ang Ben&Ben. Puso mo ay kanilang patitibukin!

Matapos ang kantahan, napag-usapan ang engagement ng one-half ng Ben&Ben, Paolo, na siyang sumulat ng “Tomorrow With You” inspired by his love kwento. Uy, nag-propose na si Paolo! Ano’ng masasabi ni Kim Chiu? Ay, ibang ‘Paolo’ pala ang ka-loveteam ni Kim. Naka-puntos na naman sa asaran ang bestie n’yang si Darren Espanto.

Happy Valentine’s Day! May pa-flowers ang ‘Showtime’ family sa lahat ng Madlang People sa studio para kilig pa more ngayong Araw ng mga Puso.

Time out muna sa mga pa-cute at pakilig. Dahil sa “Ansabe,” ang mga grupong kasali ay handang makipagpuksaan hanggang sa huli. Bawal matalo kung ayaw ma-FUNish sa laro ng lip reading. At ‘pag nanalo, sa Madlang People ang premyo.

Bumawi si Buli-lip reader Enicka na dinala sa tagumpay ang teammates na sina Argus, Vhong Navarro, Ion Perez, at Jugs Jugueta with her four points. Bawing-bawi na rin si Kuys Vhong na inalat kahapon.

Si Vice Ganda, dinaan na sa ‘paninindak’ si Stephen. Meme, huwag mong pandilatan ‘yung bata! Ang Team Vice, pinagtawanan ni Jhong Hilario dahil hindi naka-perfect. Naku, Kuys Jhong, huwag makampante dahil ang performances ng kids, hindi mo masasabi.

At ayun na nga! Ang malakas mang-asar, umuwing luhaan dahil ang bata nilang si Kulot ay nakakakuha lang ng one point. Bilang parusa, Team Jhong ang lulusot! Si Jhong naman tuloy ang pinagtulungan na alaskahin nina Vice at Vhong. Bumawi lang din!

Hind joke time ‘to! Dahil hindi biro ang papremyo, ang guess-sing sa ‘Hide and Sing,’ sineryoso ni TagaHula Alex Calleja. Bago ang lahat, nagpasalamat si Alex sa pagmamahal at suporta ng ‘Showtime’ family sa kan’ya. Hirit ni Vice Ganda, sana bumalik na si Alex sa programa kahit tagagawa lang ng jokes nina Ryan Bang at Ion Perez, na nauubusan na raw ng funny hirits sa ‘Sexy Babe.’ Sagot naman ni Alex, baka siya pa ang ma-bash nang lubos ‘pag punchline ay ‘di mabitawan ni Ryan nang maayos.

Simulan na ang kantahan with “Girls Just Wanna Have Fun.” Sino kaya sa tatlong TagoKanta ang celebrity singer na nanlilinlang? May kutob si Alex na baka si TagoKanta 1, at Yeng Constantino ang tunugan.

Pero sa Round 2 o solo performances ng mga TagoKanta, choice ni Alex ay nag-iba. Tumulong na rin ang mga TagoGulo. Si Ogie Alcasid, nagbigay ng clue, si TagoKanta 1 daw ay kan’yang kasabayan. Tanong naman ng hosts, meron ba silang nakaraan?

Nakaka-celebrity rin ang mga boses nina TagKanta 2 at TagoKanta 3. Kaya naman si Alex ay nahirapan mamili. Pero sinunod niya ang gut feel. Si TagoKanta 1 ang pinili, na parang si Lilet ang timbre.

Pati si Vice Ganda ay kinilig sa sobrang tuwa, nang ma-reveal na si TagoKanta 1 ay si Lilet nga! Ang tinaguriang Muse of OPM, muling ipinarinig sa madla ang hit song n’yang “Kahit Bata Pa.”

Ngayong Araw ng mga Puso, pupusuan mo ang dalawang binibini na rumampa sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’ First to show what she’s got si Sexy Babe Princess na very gorgeous, very Latina ang mukha. Pero kahit maganda ay nabubudol rin sa pag-ibig. Ano nga ba ang budol experience ni Princess? Pati si Kim mukhang may hugot din.

Si Sexy Babe Kyline naman, maagang nagsimula sa mga patimpalak ng pagandahan. Maaga kasi siyang naging breadwinner para matulungan ang lolo’t lola na nagpalaki sa kan’ya. Humanga si Vice Ganda sa tapang at lakas ni Kyline, but she also reminded her that even independent people need some lambing and care.

Nagkatuwaan ang Sexy Babe AuthoriTEAM–Jameson Blake, Chie Filomeno, at Jak Roberto–sa usapang Valentine’s Date. Si Chie, excited na sa date niya. Pero sina Jameson at Jak, mukhang self-love era muna, o pwede rin naman ang date with the tropa, ‘di ba?

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Alex Calleja, malaki ang pasasalamat sa It’s Showtime family | Cheezmis