← Back to Home
Do-re-mi-fa-so saya! Vice Ganda, nakipagkulitan sa choir members na bumida sa "It's Showtime" Laro Laro Pick

Do-re-mi-fa-so saya! Vice Ganda, nakipagkulitan sa choir members na bumida sa "It's Showtime" Laro Laro Pick

Kantahan, kulitan, at kaunting luha–kumpleto ang Christmas feels sa December 9 episode ng “It’s Showtime”!

🕒 12/9/2025, 10:38:04 AM473 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda#Vhong Navarro#Kim Chiu#Jhong Hilario#Calista#It's Showtime#It's Showtime December 9#Laro Laro Pick#TNT Duets

Do-re-mind me again na 15 days na lang before Christmas! Hindi ka rin makapaniwala sa bilis ng panahon, 'no?! Pero, oo, papunta na tayo sa exciting part—ang araw ng Pasko. Dama na ang Christmas rush at feels sa "It's Showtime" studio! 

Nag-warm up na sa "Laro Laro Pick" ang mga choir members na siguradong booked and busy ngayong holiday season. Kung nakukuha nila ang tamang tono sa bawat kanta, wish nila na makuha rin ang swerte sa game arena. 

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataong humingi ng sample sa mga players. Muscle memory na sa kanila ang pagkanta kaya nakabuo ng instant grupo- kumpleto dahil may tenor, alto, bass at soprano. Pero sa gitna ng kantahan, naisingit pa rin ang kulitan nang mapansin ni Meme na bagay ang piyesa kay Lassy lalo na kung nakapikit. Pabiro rin nilang 'pinahakbang' si Showtime kid Imogen. Huy! Parang mali?! 

Sa  game time, hindi pwedeng magkamali para sa pagkakataon na masungkit ang swerte. Sa huli, ang wagi ay si choir member Ritch, na pinipilit maging masaya ang Kapaskuhan. Dahil hanggang ngayon ay ipinagluluksa pa rin ang asawang binawian ng buhay dahil sa heart attack noong Bisperas ng Pasko, 2019. 

Hindi lang para maging masaya ang darating na Noche Buena, gusto ni Ritch na makuha ang P150,000 Pot money para matustusan ang tuition fee ng tatlong anak at makapagbigay na donasyon sa kanilang kapilya. Tinanggihan niya ang P30,000 Li-Pot offer at hindi tumalab ang pagsayaw ni Vhong Navarro, featuring Kim Chiu. 

Hinarap ni Ritch ang Pot question na, "Ano ang pangalan ng iconic show band na kinabilangan dati ni Kuh Ledesma, at kinabilangan din nina Angeli Pangilinan at Fe delos Reyes, at kamakailan ay nag-concert noong August 2025?" Bigo si Ritch na sagutin nang tama ang Pot question. Gayunpaman, hinangaan ng lahat ang kanyang tapang. 

Do-re-mi... or do-re-miss? May nanganib ba sa gong for today's "TNT Duets”? 

Music runs in the blood ng magkapatid na Bea Sacramento at Luke Dela Cruz, na kahit nabilangan nang dalawang beses ay hindi pinansin ang kaba, at naitawid ang kanilang "Tingin" performance. Sumakses naman sila na hulihin ang "vibe" ni hurado Ogie Alcasid. 

Suki na ng singing competitions sina Dylan Genicera at Aera Castro. Komento ng mga hurado, pang-world stage ang "Ako'y Pinoy" performance ng tandem. Sabi ni hurado JM Yosures, parang dalawang dekada na ang karanasan nina Dylan at Aera sa pagkanta kahit napakabata pa nila. Sina Dylan at Aera ang panalo sa laban matapos makakuha ng score na 94% laban sa 91% nina Bea at Luke. 

Do-re-mic check! Isang sweet and sexy caroling naman ang hatid ng P-pop group Calista with their song "Christmas Rush.

More kantahan, good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" family! Mapapanood ang "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.