← Back to Home
GALLERY: Silipin ang mga candid moments sa first-ever AWAAARD red-carpet event ng "It's Showtime"

GALLERY: Silipin ang mga candid moments sa first-ever AWAAARD red-carpet event ng "It's Showtime"

AWAAARD-an na ‘yan! 1t’s 6iving prestigious event ang first-ever AWAAARD day ng “It’s Showtime” kung saan nakatanggap ng playtime titles and awards ang hosts!

🕒 12/6/2025, 10:39:20 AM434 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime 16th Anniversary#AWAAARD#It's Showtime AWAAARD#Barbie Forteza#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Angeline Quinto#Chanda Romero#Ralph De Leon#Esnyr#Gus Abelgas#Petite#Negi#Iyah Mina#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Vice Ganda#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Lassy#Ion Perez#It’s Showtime Photos#AWAAARD Photos

Naging prestihiyoso ang “It’s Showtime” studio para sa first-ever AWAAARD red-carpet event kung saan nakatanggap ng playtime awards ang iconic moments ng hosts ng programa. 

All for good vibes man ang awards ceremony nitong Sabado, December 6, very real pa rin ang glam feel at star-studded ang programa. Si Barbie Forteza ang isa sa mga main hosts kasama nina Ryan Bang at Jackie Gonzaga. Naging presenters sina Kyline Alcantara, Angeline Quinto, Chanda Romero, ex-"PBB Collab" housemates Ralph de Leon at Esnyr, veteran reporter Gus Abelgas, at mga komedyanteng sina Petite, Negi at Iyah Mina. 

Ang unang parangal na "Ha? Hakdog Award" ay para sa "It's Showtime" host na may pinaka-unforgettable bulol at mali-mali moment. Tulad ng inaasahan, nakuha ni Anne Curtis ang titulo. Nag-tie sina Anne at Jhong Hilario, na 'emosyonal' nang tanggapin ang plaque. 

Nakuha ni Vhong Navarro ang "Sablay Supremacy Award," ang parangal para sa host na may mabuting layunin pero sablay ang ending, para sa nakakatawang pagkakamali niya nang 'di sinasadyang ma-reveal ang hawak na secret prize sa "Rampanalo" segment. Para sa host na may OOTD na karumal-dumal, "Dress in Peace Award" ang parangal. Deserve ng "fuji apple" costume ni Jugs Jugueta. Sina Ryan at Kim Chiu naman ang nakakuha ng "Natutulog Ba Ang Joke Award" para sa mga waley jokes nilang pumanaw.

Pinagsaluhan nina Ogie Alcasid at Jackie ang "G na G Alajar Award" para sa pagiging game na game nila sa kahit anong klaseng bardagulan for the sake of comedy. Halungkatan ng past, as in past face card ang peg ng "Glow Up Award" na iginawad kay Vice Ganda for her fabulous transformation. 

Ang hosting sa "It's Showtime" ay hindi basta-basta salita lang dahil umaabot pa nga sa pisikalan ang kulitan. Naging trademark na ito ng grupo, so much so it deserved its own award category. Samantala, ang naging laban nina Vice Ganda at Kim para sa "Words of Wisdom Award" sa dami ng tumatak nilang quotable quotes. 

Nag-perform sa "AWAAARD" day sina "Tawag Ng Tanghalan" champions JM Yosures, Rea Gen Villareal, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano kasama si "TNT” hurado Klarisse De Guzman. 

Na-senti naman ang hosts at Solid Showtimers sa isang creative shadow performance na inihandog ng El Gamma Penumbra kung saan ipinakita ang 16 taon journey, kabilang na ang ups and downs, ng programa. Present din sa red-carpet event sina Showtime kids Kulot, Argus, Kelsey, Enicka, Jaze, Briseis, at Imogen. 

Silipin ang candid moments sa AWAAARD day ng “It’s Showtime” via these photos! Abangan ang “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at  iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.