← Back to Home
Vice Ganda, gustong SAKTAN ang honor student na si Kylie?! | It’s Showtime

Vice Ganda, gustong SAKTAN ang honor student na si Kylie?! | It’s Showtime

Cum laude na si Bernie, nasagot ang jackpot question na nagkakahalagang 200k!

🕒 11/6/2025, 5:40:11 AM713 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#SabayTayoSaShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Kylie#honor student#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#MC

High honors ang matatanggap sa buhay kung patuloy na magsisikap. High din ang energy sa “It’s Showtime” studio dahil times four ang harana with “Tawag Ng Tanghalan” alums Miah Tiangco, Ian Manibale, Eich Abando, at Mark Justo.

Break muna tayo sa mga mapanakit na hugot dahil malapit na ang season for caroling, mag-jam muna tayo ng Christmas songs na ubod nang  saya at exciting! 

May holiday plans na nga ba ang grupo? Samantala, napaaga ang holiday cheer para sa mga madlang players na estudyanteng nagtapos with honors. Sila ang sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena. At sa tanghalan naman, may pasabog na balitang dapat tutukan! 

Hindi lang basta pasado, kundi with honors pa ang mga kabataang sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena. 

Pero bago ang laro, nagkabukingan muna! Kung kahapon ay niregaluhan ni Kim Chiu ng pang-date ang isang sapatero, hirit ni Vice Ganda, “alibi” lang daw ito ng magandang chinita. Bakit nga ba? 

Star-studded naman pala ang episode today! Dahil naki-meet and greet pero walang sad na bye ang Madlang People with Joshua Garcia, na naki-join sa “Laro Laro Pick” bilang isa sa mga representatives ng madlang studio audience, kasama nina Ryan Bang, MC at Ion Perez.

Kinilala nina Meme si player Faye, na nagtapos bilang cum laude. Ang goal daw niya ay maging government employee. Napaisip si Meme–dahil nga ba gusto ni Faye ng instant money? Eme! 

‘Gigil’ naman ang pasalubong ni Kylie kay Meme. Bakit naman daw kasi no’ng binanggit ang salitang “pangit,” mga mata ni Kylie ay kay Meme napadikit?

Hindi pa tapos ang kulitan! Dahil sa jacket ni MC na parang “sofa,” agaw-pansin tuloy siya at ibinuking ni Vice na may bagong jowa. Vice, dahan-dahan naman daw sa pag-reveal, parang ‘di pa ready si MC na ilabas ang tunay niyang nafe-feel. 

Game time! Si Joshua, na-kick out agad, aray! Pero dahil “request” niya, pinagbigyan siyang makikanta sa “You Gotta Lyric” round. Si “Patpat,” game na bumirit ng “Golden.” What if team-up ulit with Anne Curtis? Pero hindi na sa aktingan, kundi sa kantahan naman! 

Teka, “Laro Laro Pick” pa ba ‘to? Bakit naman na-gong ang players na ‘di maka-reach sa mataas na tono? Pagkatapos ng laro’t kulitan, na-reach naman ni Bernie ang jackpot round. 

Magaan ang awra ni Bernie, ang cum laude mula UPLB. Aminadong “bagsakin” siya noong elementary, pero dahil intresado sa kursong kinuha, sa kolehiyo ay nag-boom ang mga marka. 

Bilang kabataan, nagsisikap siya para mabago ang kapalaran hindi lamang ng kanyang sarili at magulang kundi mag-ambag ng pagbabago sa bayan. Simula pa lang ay determinado na siyang makuha ang P200,000 POT money na katumbas ng apat na buwang gamutan ng inang recovering from cancer. Mahirap kasi ang buhay lalo pa’t nawalan ng hanapbuhay ang magulang niya this year, kaya ang sariling trabaho niya ay kanyang kinakarir.

Kinarir din ni Bernie ang pagpili sa POT question, at tinanggihan ang P40,000 offer sa Li-Pot. Ang tanong: “Anong salitang Griyego ang tumutukoy sa “super continent”? 

Aminado si Vice Ganda na isa ito sa pinakamahirap na tanong sa segment. Pero talagang lamang ang may alam at masipag mag-aral. “Pangea” ang sagot ni Bernie na naghatid sa kanya ng P200,000 POT money!

Bumuhos ang luha ng ina ni Bernie, at ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa anak na masipag mag-aral. Nanawagan naman sina Bernie at Vice Ganda na dapat ang edukasyon ay tratuhin ng gobyerno bilang karapatan at hindi pribilehiyo. Dahil kung ang bawat bata ay lalaking edukado, mas magiging malinaw ang pagbabago. 

High honors din sa tanghalan ang goal na makuha ng dalawang finalists ng Pangkat Luntian na sina Jude Albert Tangkion at Kent Villarba.

Napaindak ang mga hurado sa ganda ng energy ni Jude sa entablado as he performed “Valerie.” Samantala, inilabas na ni Kent ang pangmalakasang alas niya–nag-ala Bruno Mars lang naman singing “Talking To The Moon.”

Pero sa huli, mas lamang ang performance ni Jude, na nakakuha ng 94% total score, kumapara sa 91% ni Kent. 

Sinamahan ni Jude sina Lucky Nicole Galindez, Almaerra Recentes at Angelica Magno bilang bahagi ng Huling Tapatan na gaganapin sa Sabado. 

Pero bago magtapos ang programa, inanunsyo na may huling “Resbak” round na magaganap sa pagitan ng mga na-eliminate na finalists na sina Aaron Lao, Leira Anne Reynes, Jay Mark Cadiwetan, at Kent. Abangan ang kanilang pagresbak bukas!

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.