← Back to Home
Ogie Alcasid, napatayo dahil kay Benjie | It’s Showtime

Ogie Alcasid, napatayo dahil kay Benjie | It’s Showtime

Ano bang meron sa rabbit, na kahit si Ogie Alcasid ay napatayo?!

🕒 11/26/2025, 5:28:01 AM730 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Ogie Alcasid Showtime#Benjie Showtime#Benjie Laro Laro Pick#Ogie Benjie Showtime#Ogie Benjie Laro Laro Pick#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Karylle#Darren Espanto#Jugs#Teddy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Showtime November 26#Laro Laro Pick Showtime#Laro Laro Pick November 26

Gawing ‘petmalu’ ang mga huling araw ng Nobyembre kaya ibaba ang kilay kahit ang mga deadline sa trabaho ay sabay-sabay. Think positive na matatapos mo rin ang mga responsibilidad with flying colors. 

Kung pampagana ang kailangan, gawing vitamins ang tugtugan ng isa sa mga paboritong banda natin. Isang masayang concert-like rakrakan sa FUNanghalian ang hatid ng The Itchyworms, syempre, sa pangunguna ni vocalist Jugs Jugueta. Kahit nalibot na nila ang buong mundo para i-flex ang kanilang music, nothing beats the feeling kapag tumutugtog sa piling ng Madlang People. Ano pa kayang good news ang bibit ng mga kuys?  

Samantala, nalalapit na ang Magpasikat 2025. Gaano na katindi ang paghahanda ng Showtime family?  

Fur-real ang good vibes kasama ang madlang players for today’s video. Petmalu sila sa pagpapa-beauty ng mga alaga nating fur babies! Sila ang mga pet groomers na patient at caring para masiguro ang glow-up ng mga mahal nating doggies at ‘mingming.’ Sana ang swerte ay maging caring din sa kanila lalo na sa pagsabak nila sa "Laro Laro Pick" game arena. 

Ang number one requirement para maging mahusay na pet groomer, dapat malambing at mahaba ang pasensya, sabi ni Dudz. Kaya naman kahit challenging mag-groom ng pusa, keri ‘yan ni kuya! Basta, lambingin n’yo rin sa tip ha? 

Kung struggle is real sa pag-groom ng pusa, mas mahirap daw kapag rabbit ang customer, kuwento ni player CJ. Ang rabbit, mabibilis tumakbo at agresibo, kaya it takes an expert para ma-groom sila from head to toe. Rabbit ba kamo? “Ano ang pinakamalaking rabbit?” tanong ni Jhong Hilario! Kuys, ano?! Ano bang meron sa rabbit, na kahit si Ogie Alcasid ay napatayo?!  

Si Dels naman, parang napadaan lang. Hindi nga raw nakapagpaalam sa asawa na sasalang siya sa game arena. Tingnan n’yo hindi na nga nakapagbihis. Kaya quiet lang tayo sa kanyang misis, huwag na nating i-tsismis!  

Game time! Sa pagpili, dapat malupit para ang swerte ay kumapit. Apat ang natira sa dulo, kasama sina Ryan Bang at Darren Espanto! Pero ang swerte ay sadyang nasa destiny ni pet groomer Benjie.  

Master pet groomer kung si Benjie ay tawagin dahil 15 years na siya sa ganitong linya ng trabaho. Petmalu! Dahil mga hayop ang customers, hindi maiwasan ni Benjie ang aksidente sa trabaho. Minsan na siyang nakagat ng isang aso, mabuti na lang ay naging maayos ang lagay niya pagkatapos ng insidenteng ito.  

Sa bahay ay may pet din si Benjie, at may dalawang anak na babies pa, kaya todo kayod siya sa trabaho para sa future ng pamilya. Sila ang inspirasyon niya sa “Laro Laro Pick” jackpot round kung saan may P250,000 Pot money na pwedeng mapanalunan.  

No’ng una, pet, este pot ang sigaw niya! Pero bilang ama, dito na siya sa siguradong maiuuwi sa pamilya. Ang Li-Pot offer na P38,000, mas pinili niya! Good choice naman ‘yun! Dahil sa Pot question, “Ano ang full name ng legendary Pinoy basketball player at two-time Olympian na binansagang The Big Difference?” siya’y natameme.  

Fur-real talaga ang swerte dahil may P38,000 si Benjie!  

Mga duos na mahuhusay naman ang kumasa sa hamon ng “TNT Duets 2” para i-flex ang mga talent nilang petmalu. Sa kanyang birthay, ang wish ni hurado Jonathan Manalo, sana walang ma-gong today! 

“Patawad, Paalam,” hugot nina Emmanul Pescador at Hana Adriano sa entablado. Ang sakit naman no’n sa puso! Pero masakit man ang hugot ng kanta, hindi naman sila napa-“huhuhu” kundi napangiti pa nga sa komento ng mga hurado.  

Sabi ni hurado Jonathan, ramdam niya ang pain and hope sa storytelling. Sobrang tagos pakinggan, na para bang totoo silang nagkasakitan! Agree naman sina hurados Jed Madela at Bituin Esclante, na puro positibo lamang ang nasabi.  

Ramdam mong hindi magpapatalo ang ikalawang duo, sina John Andrew Manzano at Gerlyn Abano, dahil kung harmony, chemistry, at hugot-ery ang usapan, na-check nila lahat ‘yan! “Dating Tayo” ni TJ Monterde, ginawa nilang duet!  

Hirit ni hurado Jonathan, first time niyang marinig ang ganitong areglo sa kanta ni TJ, kaya huwag na tayong magtaka kung gawan din ito ng duet version sina TJ at misis na si KZ Tandingan. At sa sobrang ganda nito pakinggan, yearning ang kanyang naramdaman. Dagdag ni hurado Jed, ang ganda ng enunciation ng lyrics. “Today was a good day,” komento naman ni hurado Bituin. 

Parehong magaling, pero isang duo lang ang umangat sa singing. Ito ay ang duo nina Hana at Emmanuel na nakakuha ng score na 97%.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ogie Alcasid, napatayo dahil kay Benjie | It’s Showtime | Cheezmis