← Back to Home
Vhong at Jhong, bibigyan ng regalo ang pitong apo ni nanay Leah | It’s Showtime

Vhong at Jhong, bibigyan ng regalo ang pitong apo ni nanay Leah | It’s Showtime

Palengke vendors, nakilaro sa Laro Laro Pick!

🕒 11/20/2025, 5:22:28 AM909 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeDobleDoble#Laro Laro Pick#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Leah#apo#regalo#Ogie Alcasid#Amy Perez#Ryan Bang#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#MC Muah

Lumabas na ang tunay na kulay–ang kulay ng good vibes at ligaya dahil isa na namang FUNanghalian ang pinagsaluhan ng Madlang People at "It's Showtime" pamilya. 

Sana ang araw n'yo ay palaging bright and yellow. Pintahan din ang mundo ng shades of red, ang kulay ng pag-ibig. Pero kung lately pakiramdam mo'y nawawala ang tingkad ng buhay dahil sa mga pagsubok na pinagdadaanan, o baka naman ika'y nasaktan, join ka na muna sa isang 'kolorcoaster' ride with Gen Z OPM favorite, Maki, singing "Abelyana," na para sa mga kakilala nating torpe, na ang feelings ay hindi masabi. Relate nga ba si Darren Espanto? Si Maki, parang may gustong ibuko! 

And just in case you didn't know, yes, isang uri ng kulay ang 'abelyana.' Ito ay isang Hiligaynon word para sa hazelnut o light brown.

Kayo, Madlang People, ano'ng kulay ng mundo n'yo? Para sa mga hosts, excitement ang color of the day dahil lahat sila'y excited na! Saan?! Sa Magpasikat 2025 na labis nilang pinaghahandaan! 

Kung gusto mong matawag na maganda o gwapo, sa palengke ka magtungo. Ganyan kasi ang tawag ng mga tindera sa customers nila, 'di ba? This time, mga tindero't tindera ang pumunta sa "Laro Laro Pick" game arena para subukan kung gaano kaguwapo o kagana ang swerte nila. Kung papalarin, isa sa kanila ang pwedeng mag-uwi ng P150,000 Pot money. 

Para naman sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad, sina Darren, Ryan Bang, Teddy Corpuz at MC ang maglalaro. Ang makukuha nilang papremyo, ido-donte nang buo. 

Buo ang loob ni Leah, isang masipag na ina at lola, na itaguyod ang buong pamilya. May sakit at nagda-dialysis ang kanyang asawa, kaya naman solo siyang kumakayod. Hindi na rin nakapag-aral ang kanyang tatlong anak dahil sa hirap ng buhay, kaya ngayong may sariling pamilya na ang ibang anak, ang payo niya'y sikaping igapang ang pag-aaral ng kanyang mga apo para mabago ang buhay ng mga ito. 

Sa loob ng 40 years, pagtitinda ng isda ang naging hanapbuhay ng 65-year-old lola. At para bang ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na dumaing sa hirap na nararanasan. Kaya si Jhong Hilario na mismo ang nagpaalala sa mga anak ni Nanay Leah. At dahil deserve niya ng pampa-happy, nag-promise si Jhong ng pamasko para sa pitong apo ni Leah. Hindi lang 'yan, dahil si Ryan, nag-promise rin ng Christmas makeover para kay mother.  

Aba, teka, wala pa nga ang makeover, pang-BINI na agad ang arrive ni mother? Ang lakas maka-Gen Z no'ng eye shadow na may glitters! Kung siya ay magiging BINI member, anong screen name ang bagay kay nanay? 

Joke time muna with Mike, tindero ng karne. Kung si Ogie Alcasid ang customer, paano siya tatawad? Samantala, hindi biro ang pinagdadaanan ng mga mangingisdang Pilipino dahil sa presensya ng ibang bansa sa mga dagat ng Pilipinas. Kaya ang ating panalangin, tama na ang pagpapahirap sa mga kababayan natin. 

Game time na! Sa unang round na "Illuminate or Eliminate," dapat lakasan ang pakiramdam upang ang tamang kahon ay maapakan. Pagdating naman sa "It's Giving" round, mga gulay na nabanggit sa kantang "Bahay Kubo" ang dapat i-give. In fairness, isa lang ang na-eliminate, at 'yun ay walang iba kundi ang laking-Canada na si Darren. At sa dulo, ang naging suki ng swerte ay si vendor Jhen! 

Sa "Laro Laro Pick" jackpot round, hindi napigilan ni palengke vendor Jhen ang mapaluha habang nagkukuwento tungkol sa anak na may autism. Masakit sa bulsa ang therapy sessions ng kanyang bunso. Bagama't may trabaho ang mister, hindi naman regular ang kita bilang electrician, kaya naman talagang matindi ang pangangailangan.

Itinodo nina Vhong Navarro at Amy Perez ang Li-Pot offer sa P35,000 pero dahil na rin sa lakas ng loob na ibinigay ng kanyang ina na nasa studio, pinili ni Jhen ang Pot sa dulo. 

Sa tanong na kung sino ang aktres na bumida sa pelikulang "Palengke Queen" noong 1982, ang sagot ni Jhen ay "Maricel Soriano." Sayang! Dahil si Nanay ang mas nakakaalam ng tamang sagot na "Nora Aunor." 

Gayunpaman, nangako si Jhong na magbibigay-tulong ang programa para sa anak ni Jhen. 

Halos araw-araw ay naririnig ang pagtunog ng gong mula nang magbukas ang "TNT Duets 2." Kaya feeling ni gongbassador Ryan, jokes niya ang may kasalanan! Pero kung Malang People na ang magre-request, eh sigurado naman na kanyang pagbibigyan.

Hindi joke ang chemistry nina JKris Dantes at Jayda Bue. Sa boses nila ay match made in heaven, ang mga hurados na sina Erik Santos, Louie Ocampo at Jonathan Manalo, aba, nakangiti mula simula hanggang dulo. At hindi nga nabilangan ang duo! 

Komento ng Punong Hurado, Maestro Louie, nagalingan siya sa performance at naramdaman ang kiig ng young love. Dahil R&B style ang kanta, hindi nawala ang mga kuot-kulot na nota, pero ayon sa hurado, nasa lugar ang lahat ng kulot. Na-impress din si Jonathan, "walang sabit," as he described the performance. Dagdag niya, nakatulong ang pagiging natural R&B singers ng dalawa kaya bumagay ang mga boses sa kantang "Kahit Ayaw Mo Na." Para naman kay hurado Erik, not only did they sound good, but they also looked good together. 

Matapang rin na ibinandera ng magkaibigang Melissa Duenza and Rocelle Solquillo ang harmony nila sa entablado, singing "Sweet Love." 'Yun nga lang, na-gong ang kanilang performance. Advice ni hurado Jonathan, pakinggan nang mabuti ang mga runs. At upang sila'y mapangiti pagkatapos ng pangyayari, may promise na regalo si MC! 

Automatic winners na sina JKris at Jayda. Babalik sila sa Sabado para sa second weekly finals.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vhong at Jhong, bibigyan ng regalo ang pitong apo ni nanay Leah | It’s Showtime | Cheezmis