← Back to Home
Marlon, ipinangutang ang puhunan niya sa pares business | It’s Showtime

Marlon, ipinangutang ang puhunan niya sa pares business | It’s Showtime

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, naikuwento ni Marlon kung paano nagsikap para makapagsimula ng sariling negosyo. From working as a cook sa isang lugawan, nangutang siya ng puhunan para simulan ang sariling paresan.

🕒 11/18/2025, 5:52:26 AM686 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Marlon#Marlon Showtime#Marlon Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Pares Vendor#Laro Laro Pick#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick Showtime#Showtime November 18

Very promising ang pagsisimula ng Martes! Sabi nga ng Gen Zs, it’s giving! It’s giving good vibes! At sa mga masisipag na empleyado, gets namin ang wish n’yo, sana i-give na rin ang Christmas bonus, ‘no? Kaunting hintay na lang! The universe will give you what you deserve, at ‘yun ay siksik, liglig at umaapaw na blessings. 

Give na give naman sa kantahan ang nagbabalik na Final  3 ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 na sina Angelica Magno, Lucky Nicole Galindez, and the champ Kent Villarba para sa isang collab performance with their mentors Bituin Escalante, Mark Bautista and Nyoy Volante. 

Tapos na ang Huling Tapatan pero ‘it’s giving’ grand finals pa rin ang biritan sa “It’s Showtime”! Pagkatapos ng kantahan, give naman ng trio ang kanilang pasasalamat sa mga mentors na naging bahagi na kanilang TNT journey.  

Mga tinda nila’y malinamnam at pinipilahan. Sa sarap ng inihahain nilang pares, goto, mami at iba pa, talagang sold out ang paninda. Gayunpaman, sapat lang ang kinikita para maka-survive sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Kaya dito sa “Laro Laro Pick” game arena, dasal nila’y sana maging malinamnam din ang swerte nila!  

Kasali rin sa laro sina hosts Ryan Bang, Ion Perez, Cianne Dominguez at Jugs Jugueta, at ang mapapanalunan nila ay ido-donate sa mga biktima ng nagdaang kalamidad sa bansa. Si Kuys Ion, nakalimutan ‘ata na player siya, at nag-enjoy na lang sa panonood sa asawang si Vice Ganda. Huwag mong masyadong titigan, Kuys, baka naman matunaw si Meme!  

Matutunaw talaga ang bad vibes dahil sa kulitan nina Meme at ng madlang players. Kinilala niya si Nickie, na kasama ang ina sa pagtitinda ng beef mami. Mabigat man ang bisikletang tulak-tulak, laban lang para sa mg pangangailangan.  

Naaliw naman si Meme sa pakikipagkuwentuhan kay Nida, kahit lost in translation at ‘di sila magkarinigan no’ng una. Bukod sa pagtitinda ng lugaw, gumagawa rin siya ng lumpia. Kaya si Meme, nag-crave sa favorite niyang lumpiang togue!  

Hanggang sa kung ‘anek-anek’ na ang napansin ni Vice sa players. Nand’yan ‘yung binati niya ang cute hair ni Alona, tapos si Unang nama’y napagkamalang ginagamit ang star anise bilang lipstick!  

It’s giving swerte ang performance ng madlang players sa game arena pero ang pinaka-lucky of all ay si Marlon, na umabante sa jackpot round.  

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, naikuwento ni Marlon kung paano nagsikap para makapagsimula ng sariling negosyo. From working as a cook sa isang lugawan, nangutang siya ng puhunan para simulan ang sariling paresan.  

Sa ngayo’y unti-unti niyang binabawi ang pinuhunan. At hindi na rin naman masama ang isang libong kinikita kada araw para sa kanilang mag-asawa at tulong sa magulang niya. Ang pinakamalaking pangarap ni Marlon, mabigyan ng sariling bahay si misis, na todo cheer naman sa studio.  

Sa huli, tama ang desisyon niyang piliin ang P30,000 Li-Pot offer dahil clueless siya sa P100k Pot question na tungkol sa isang Hollywood movie.  

Bago magpaalam, pinalakas ni Vice Ganda ang loob ng mag-asawa at in-encourage sila na mangarap. Bagama’t walang masama sa pagiging kuntento, hindi rin naman masama kung mangangarap pa nang mas malaki.  

It’s giving danger ang vibe sa “TNT Duets 2” dahil sina hurados Kean Cipriano, Nyoy Volante, at Jonathan Manalo, ‘di maikakailang mas mahigpit ang pagkilatis sa mga performances.  

Unang sumalang sa entablado ag duo nina Ricalyn Martinez at Kim Bano. Vocal prowess nila’y bigay-todo. Pero sa kalagitnaan ng kanilang pag-awit, tunog ng gong ay narinig. Ipinaliwanag ni hurado Nyoy na “this has nothing to do with their abilities.” Mahusay ang dalawa individually pero sa usaping duet, kailangan ang precision. Dagag ni hurado Jonathan, may mga nota na hindi na-hit.  

Si Ryan Constantinopla, sinamahan ni celebrity contender Lance Raymundo sa tanghalan. But unfortunately, hindi rin nag-work ang heavy metal version nila ng “The Day You Said Goodnight,” dahilan para sila’y ma-gong. Hurado Kean commended them first for taking risks, aniya, surprising ang bali sa kanta pero maraming pagkakataon na "hindi masyadong sigurado ang pagbitaw ng nota.” Dagdag ni Kean, may potential ang performance sa mga regular gigs pero hindi sa “TNT Duets” stage. 

Dahil parehong na-gong ang dalawang duos, walang panalo sa araw na ‘to.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Marlon, ipinangutang ang puhunan niya sa pares business | It’s Showtime | Cheezmis