← Back to Home
Cris, inilaban ang pot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Cris, inilaban ang pot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Sa jackpot round kung saan P150,000 POT money ang pwedeng mapanalunan, lakas ng loob ang puhunan ni Cris, na sinugalan ang laman ng kaban.

🕒 11/11/2025, 6:17:40 AM780 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Cris Laro Laro Pick#Cris Showtime#Cris Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick Jackpot November 11#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick Showtime#Showtime November 11

Makulay at amoy Pasko na ang paligid. Ilang araw na lang, panibagong taon na naman ang ating sasalubungin. Pero hindi pa nauubos ang oras! May chance pa para habulin ang plot twist na bet mong ma-achieve before 2025 ends. 

Pero bago ang Christmas caroling, rakrakan muna tayo mga darling! OPM icon Ely Buendia in the house kaya lahat tayo’y maki-jamming! Bukod sa bagong kanta, si Ely, may good news din na dala para sa mga tagahanga. Nagpasalamat din siya sa mga tagasuporta at natutuwa na well-appreciated pa rin ang kanyang genre.  

May mga big stars na naki-meet and greet, pero walang malungkot na ‘bye’ dahil sa “Laro Laro Pick,” good vibes lang ang dala nina Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, at Joshua Garcia. Say hello to the cast of “Meet, Greet & Bye.” At para kumpleto ang Facundos, present din ang kanilang inay. Lahat ay nagalak nang dumating si Diamond Star, Maricel Soriano, para suportahan ang kanyang mga ‘anak.’  

Kung isa sa guest players ang mananalo, ido-donate ang makukuhang papremyo sa mga nasalanta ng bagyo. Game ang Madlang People na magparaya para sa bayanihan. Syempre, mababait kaya ang Madlang People na ‘yan!  

Mabait na anak naman si Vice Ganda. ‘Yun nga lang, “tinamaan” sa payo ni Inay Maria sa kabataan na mag-aral nang mabuti dahil ‘yan ay yaman ng mga magulang. Hirit ni Inay, wala mang diploma ang Meme, at least biniyayaan ng beauty!  

Bukod sa guest players, nakilaro rin ang mga laundry shop workers. Teka, si Meme, namalikmata na para bang nand’yan si Ethel Booba. Meme, huwag nang pagdudahan ang ginang sa ‘yong harapan. Si Gerlie ‘yan! Kinaaliwan nga ni Vice ang laundry shop staff na si Gerlie dahil sa mga “pauso” nito. But kidding aside, hinangaan niya ito dahil sa kabila ng pagiging single mom, sarili ay hindi niya kinalimutan. Pak! Ang mascara, nanlalaban! Sabi nga ni Meme, self-love ang tawag d’yan! 

Parang binabad sa fab con ang pusong malambot ni Ruby dahil kay Papa P, na game ipatanggal at ipalaba ang t-shirt niya. Uy, sina Lassy at MC, nainggit doon sa tabi. Biro ni Meme kay Lassy, hindi lang damit ang dapat nilalabhan, dapat ‘yung mukha rin hinihilamosan! At speaking of damit, ‘yung OOTD nina  Vhong Navarro at Jhong Hilario, napagkamalang tissue at basahan.  

Laro ay simulan! Second time na ni Joshua sa game arena, pero wala, simula pa lang olats na talaga. Nag-bye na rin si Papa P after Round 1. At sa Round 2 na “It’s Giving” kung saan ang kategorya ay mga gamit ng Grades 1 to 3 students sa eskwela, sagot naman ni Belle ang ‘di umubra. Hanggang sa natapos ang “You Gotta Lyric” kung saan ramdam ang Christmas feels with “Star Ng Pasko,” tatlong players na lang ang natira sa laro, kasama si JK. Pero kinapos nang bahagya ang swerte ni JK. Dahil sa jackpot round, si Cris ang umabante.  

Sa jackpot round kung saan P150,000 POT money ang pwedeng mapanalunan, lakas ng loob ang puhunan ni Cris, na sinugalan ang laman ng kaban. Paliwanag ni Ate, ni hindi niya inakalang makakasali sa “Laro Laro Pick,” so why not take the risk? Sasabay lang siya sa agos ng buhay.  

Tinanggihan ni Cris ang P30,000 na offer sa Li-Pot at ipinagpalit sa Pot, kung saan ang tanong ay tungkol sa titulo ng sitcom na pinagbidahan noon nina Dolphy at Nida Blanca. Sa loob ng limang segundo ay walang naisagot si Cris.  

Kayo, Madlang People, alam n’yo ba ang sagot dito? 

“Tawag Ng Tanghalan” Duets returned… with a gong! Sa pagbubukas ng bagong kabanata sa tanghalan, mga boses ay magsasanib-pwersa. Dobleng lakas ang ipapamalas ng mga duos na magkakampihan upang sundan ang yapak ng first-ever TNT Duets champions na si Marielle Montellano at JM Dela Cerna. 

Sa bagong edisyon na ito, ipinakilala rin ang dalawang bagong hurado na sina JM Yosures at Jonathan Manalo. Si Louie Ocampo naman ang umupo sa trono bilang Punong Hurado. Pero hindi na lang Punong Hurado ang maaaring magdesisyon sa paghudyat sa gong. Bawat huradong uupo ay may karapatan na bilangan nang isang beses ang contestants. At kapag umabot sa tatlo ang bilang, automatic, tapos na ang kanilang laban.  

Tunggalian ay agad na sinimulan ng tandem nina Christian Labrador at Fancheska Empino, na mas pinabongga ang hit ni Vice Ganda, “KaraKaraka.”  

Kung matagumpay na natapos nina Christian at Francheska ang kanilang piyesa, naudlot naman ang pagkanta nina Francis Alinsonorin at Cherry Lyn Pausal dahil sa gong. Paliwanag ni Maestro Louie, nag-flat si Cherry nang ilang beses, kaya nahirapan mag-adjust si Francis. 

Dahil sa pagkaka-gong ng ikalawang tandem, sina Christian at Francheska na ang hinirang na panalo sa araw na ‘to at babalik sila sa Sabado para sa weekly finals. 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Cris, inilaban ang pot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis