← Back to Home
Vice Ganda, naaliw sa energy ng parloristang si Meto | It’s Showtime

Vice Ganda, naaliw sa energy ng parloristang si Meto | It’s Showtime

Vice Ganda, naaliw sa energy ng parloristang si Meto | It’s Showtime

🕒 10/6/2025, 5:20:38 AM998 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePangkataPOTan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Meto#Parlorista#Karylle#Jhong Hilario

What a good way to start the new week than to share things that make you happy and kilig, right, madlang people?  

Gaya na lang ng ginawa ng It’s Showtime hosts na sinimulan ang October 6 episode sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng sweetest things na ginawa sa kanila ng mga mahal nila sa buhay. Bukod sa kwento ng isa’t isa, inalam din nila ang sweetest gestures na naranasan ng ilang madlang studio audience mula sa kanilang loved ones.

Ramdam na ramdam din ang saya ng madlang barbero at parlorista na nakisaya sa “Laro Laro Pick” segment. Bago magsimula ang game, nakipagkuwentuhan muna ang hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Karylle sa ilan sa contestants. Dahil naging bahagi ng buhay at alaala ng bawat tao ang mga barbero’t parlorista, nag-special shoutout sina Vice at Jhong sa kani-kanilang mga paboritong barbero noong mga bata pa sila.

Napansin naman ni Vice ang napaka-energetic na pagsayaw ng contestant na si Meto sa “Illuminate or Eliminate” kaya nakapaghuntahan muna siya sa kanya bago malaman kung sino ang mga mananatili sa next round.

Maswerte naman siyang nakalusot sa Game 2 na “It’s Giving”, kung saan tinanong ang remaining contestants tungkol sa most popular sports in the world according sa isang website, pati na rin sa Game 3 na “You Gotta Lyric”, kung saan pinahulaan sa missing sa lyrics sa awiting “Paano Ang Puso Ko” ni April Boy Regino.  

Unfortunately, naligwak si Meto at di umabot sa Game 4 na “Pili-mination”, kung saan ang barberong si Allan mula sa Naic, Cavite ang masuwerteng nakapasok sa jackpot round matapos na makuha ang icing bag na naglalaman ng hinahanap na pink icing.

The kilig and happiness were real for Allan dahil nasa studio rin ang asawa niyang si Vic upang personal siyang bigyan ng moral support! Ibinahagi ng mag-asawa na nagce-celebrate sila ng kanilang first wedding anniversary sa araw na ito, kaya naman binigyan ng hosts ng pagkakataon si Vic na i-share ang sweet at nakakatuwang mensahe niya para kay Allan. 

Inusisa rin ni Vice si Allan tungkol sa pinaka pangarap niya para sa mga anak nila ni Vic, kung saan sinabi ni Allan ang gusto niya lamang para sa kanila ay magkaroon sila ng “okay” na buhay. Kaya naman hangad ni Vice na magkaroon pa rin ng disenteng buhay ang mga ordinaryong Pilipino kagaya ni Allan at ng pamilya niya na lumalaban ng patas sa buhay. 

Pinili mang mag-POT ni Allan noong una dahil sa kagustuhang makuha ang P150,000 na jackpot prize, sa bandang huli ay pinili na lamang niyang tanggapin ang P40,000 na offer nina Jhong at Karylle. Tama naman ang kanyang naging desisyon dahil bigo siyang masagot nang tama ang jackpot question tungkol sa pangalan ng anak ng Filipino fictional character na si Galema. “Madonna” ang kanyang isinagot ngunit “Galema” ang tama.

Matapos anng halos anim na buwan, nabuo na sa wakas ang tatlong pangkat na magtutunggalian sa semifinals ng Tawag ng Tanghalan. Ang bawat grupo—Pangkat Pula, Pangkat Luntian, at Pangkat Bughaw—ay may tig-siyam na miyembro at gagabayan ng tig-iisang hurado mentors.

Ang Pangkat Pula na pinamumunuan ni “The King of Acoustic Pop” Nyoy Volante ay binubuo nina Raquelle Macababat ng Tanay, Rizal; Danica Ella Hipos ng Davao de Oro; Aaron Lao ng Pandi, Bulacan; Kent Villarba ng Dalaguete, Cebu; Mary Rose Blanes ng Sorsogon City, Sorsogon; Lovely Dela Peña ng Malaybalay City, Bukidnon; Ramel Awi ng Davao City; Richel Balignot ng Pagadian City, Davao del Sur; at Lyndon Asmiralde ng North Caloocan City.

Samantala, ang Pangkat Luntian naman na nasa ilalim ng pagtitimon ni “The Stellar Diva” Bituin Escalante ay binubuo nina Essam Gubat ng Angeles City, Pampanga; Almaerra Recentes ng Zamboanga del Norte; Jude Albert Tangkion ng Lugait, Misamis Oriental; Leira Raynes ng Caloocan City; Noielle Rodriguez ng Legazpi City, Albay; Jaymark Cadiwetan ng Davao de Oro; FJ Cortez ng Cabuyao, Laguna; Angelica Magno ng Sultan Kadarat; at Anthony Dao ng Camiguin Island. 

Panghuli, ang Pangkat Bughaw naman na ginagabayan ni “The Pop Heartthrob” Mark Bautista ay binubuo nina Rob James Limbawan ng GMA, Cavite; Lucky Nicole Galindez ng Tupi, South Cotabato; Precious Baraquil ng Ipil, Zamboanga Sibugay; Feby San Miguel ng Sorsogon City, Sorsogon; Jenver Barra ng Lupi, Camarines Sur; Jinky Kawayan ng Tupi, South Cotabato; Christina Tandogon ng Valenzuela City; Claudia Eliver ng Binalbacan, Negros Occidental; at Vincent Quinn ng Bulan, Sorsogon. 

Kinumusta ng hosts ang bawat mentors, na pawang kinakabahan at excited para sa unang round ng “Pangkatapatan”, kung saan dalawang grupo lamang ang matitira at magpapatuloy ng labanan sa Round 2. At para sa unang set ng semifinalists na magtatapat sa Round 1, sina Feby San Miguel ng Pangkat Bughaw, Jaymark Cadiwetan ng Pangkat Luntian, at Raquelle Macababat ng Pangkat Pula ang mga unang pinili ng kani-kanilang mentors na sumalang.  

At dahil kinulang sa oras, naunsyami ang harapan sana ng pinaka unang set ng semifinalists sa “Pangkatapatan” ng Tawag ng Tanghalan, na kinabibilangan nina Feby San Miguel ng Sorsogon para sa Pangkat Bughaw, Jaymark Cadiwetan ng Davao de Oro sa Pangkat Luntian, at Raquelle Macababat ng Tanay, Rizal para sa Pangkat Pula. 

Inanunsyo ni Tyang Amy Perez na abangan na lamang kinabukasan ng lahat ang pinaka unang tapatan nang magpaalam ang It’s Showtime hosts sa madlang people. Samantala, si Jhong naman ay inaliw ang lahat sa pangmalakasang dance steps sa closing credits.

 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.