← Back to Home
Sikreto nina Sue at Janella, unti-unti nang nalalaman sa “What Lies Beneath”

Sikreto nina Sue at Janella, unti-unti nang nalalaman sa “What Lies Beneath”

Sinubaybayan ng manonood ang totoong rason sa likod ng mag-asawang sina Mel (Sue Ramirez) at Anton (Jameson Blake).

🕒 10/28/2025, 5:43:55 PM223 wordsEN

ABS-CBN Studios

#What Lies Beneath#Sue Ramirez#Jameson Blake#Mel Montenegro#Anton Montenegro#Janella Salvador#Charlie Dizon#What Lies Beneath all time high online viewers

Taos-pusong nagpasalamat sa manonood ang “What Lies Beneath” matapos itong makapagtala ng bagong all-time high viewership record na 530,015 peak concurrent viewers sa episode nito noong Lunes (Oktubre 27) nang abangan ng mga ito ang mga sikreto sa buhay ng MABELs.

Bukod sa mataas na viewership record, nananatili rin ito bilang most-watched series sa Netflix Philippines at patuloy din itong trending sa social media.

Sa naturang episode, sinubaybayan ng manonood ang totoong rason rason sa likod ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng mag-asawang sina Mel (Sue Ramirez) at Anton (Jameson Blake). Nalaman ng viewers na nabaligtad si Mel at ang tunay na nananakit ay si Anton. Gusto man hiwalayan ni Mel ang asawa ay binantaan siya nito na mawawala sa kanya ang kanyang nabuong karera kapag tinuloy niya ang balak na makipag-divorce. 




Sa kabilang banda, napilit ni Beth (Charlie Dizon) si Alice (Janella Salvador) na sabihin ang tunay na rason kung bakit siya aligaga at sobrang takot sa security ng anak. Pag-amin ni Alice na nakipaghiwalay na siya sa asawa at gusto lang niyang makasigurado na hindi makukuha nito ang anak niya. 



Abangan ang mga exciting na eksena sa “What Lies Beneath” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sikreto nina Sue at Janella, unti-unti nang nalalaman sa “What Lies Beneath” | Cheezmis