Kapag mayroong problema, idaan na lang muna sa ngiti at tawa. Stop na muna sa pa-iisip at saluhin na lang ang good vibes na dala ng “It’s Showtime” family, na ang goal lang naman every day ay kayo’y mapagiti.
Si MC, sobrang nasa good mood, o! Pumunta pa sa audience kasi bet mag-hello sa mga bisitang gwapo. Mag-hello rin sa isa pang bisita na super ganda. Kapag siya’y kumanta, feeling mo dinuduyan ka sa lambing ng boses niya. Say hello to Belle Mariano! Isang matamis na harana ang handog niya sa inyo, singing “Kumpas.” Ano bang feeling na i-perform ang ‘hugot’ piece na ‘to, Belle?
At may bitbit din siyang magandang balita tungkol sa pelikulang “Meet Greet & Bye.” Nood na ng “It’s Showtime” para mawala ang lumbay.
Nagbabaga ang fighting spirit ng mga tindero’t tindera ng ihaw-ihaw. Sa “Laro Laro Pick” game arena, sila muna ang humataw.
Kinilala ng hosts si ihaw-ihaw vendor Dan, na low-key ni-reveal ang secret sauce niya sa masarap na barbecue at ang technique sa tamang paghahanda nito. Mahigit dalawang dekada na niya itong hanapbuhay. Salamat sa mga barbecue, naitaguyod niya ang pamilya lalo na ang pag-aaral ng anak na isang scholar. Ramdam ang pride ni Dan matapos magbigay ng mensahe ang anak na si Josh, na ang hiling sana ay palaging malakas at malusog ang ama’t ina, lalo pa’t halos idlip na lang ang kanilang pahinga. Mensahe naman ni Jhong Hilario kay Dan, magpahinga rin minsan. Dahil kailangan din ng maayos na kalusugan para ang pamilya’y makasama nang pangmatagalan.
Pati inihaw na tilapya at bangus ay na-perfect na ni Pare. Sinisikap din niyang maging perfect husband kay misis, na kanyang mahal na mahal at ipinaglalaban, kahit pa lagi siyang sinisigawan. Nakakalungkot naman. Tinitiis na lang daw ni Pare ang paninigaw ni misis dahil mahal niya ito, pero hindi niya napigilang maiyak habang naglalabas ng sama ng loob.
Sabi nga ni Kuys Jhong, sobra ang pagmamahal ni Pare kay misis, na tinanggap niya nang buo pati na rin ang tatlong anak nito kahit hindi naman niya kadugo. Pumagitna si Jhong sa ‘problema’ ng mag-asawa at sa dulo ay na-solve naman ang
tampuhan. Nag-promise si misis na magbabago at hindi na sisigawan si Pare. At para mas matamis ang samahan, sagot na nina Jhong at Ogie Alcasid ang date ng mag-asawa.
“Ako ang nagwagi,” sabi ni OPM icon Dulce sa kanyang awitin. Sign na pala ito na magwawagi rin si Dulce, ang ihaw-ihaw vendor na sumalang sa “Laro Laro Pick” jackpot round.
Sa simula pa lang ay nagpakita na ng tapang si Dulce. Ang P250,000 POT money, gusto talaga niyang maiuwi para sa anak na may sakit at nangangailangan ng liver transplant. Buhay at inspirasyon ni Dulce ang mga anak, na proud siya dahil masisipag at mababait.
At sinuklian nga ng kapalaran ang kabaitan ng mag-iina dahil nang piliin ni Dulce ang POT question matapos tanggihan ang P40,000 na Li-Pot offer, nasagot niya ito nang tama. "Ang tatlong ‘R’ na sinasabing mabisang paraan upang mabawasan ang mga basura at kalat sa ating kapaligiran ay reuse, reduce, at _________."
Bumuhos ang emosyon ni Dulce, dahil ang sagot niyang “recycle” ay nagdala sa kanya ng P250,000!
Ngayong Pangkat Luntian na lamang ang natitira sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, sumabak sila sa panibagong hamon kung saan haharapin ng members ang isa’t isa sa entablado.
Kada araw, pipili si mentor Bituin Escalante ng tatlong miyembro na sasabak sa three-way battle. Sabi niya, hindi rin madali mag-isip kung sinu-sino ang pagsasabungin para masigurong balanse ang laban.
Sa araw na ito, pinili niya si Essam Gubat, na nagpasabog ng vocal magic sa stage, singing “Lose Control.” Sumunod naman na nag-perform si Jude Albert Tankion na nagpabilib with his versatility sa pagkanta ng “3019.” Itinodo na rin ni Aaron Lao ang pag-flex sa kanyang artistry and musicality, performing “Believer.”
Sumakit ang ulo nina hurado Nonoy Zuniga, Louie Ocampo at Erik Santos sa hirap mamili ng dalawang aabante sa next round, dahil deserving ang tatlong performers. Biro ni hurado Erik kay Jude, pang-grand finals na ang ipinakita nitong laban. Sabi naman ni Punong Hurado Louie kay Aaron, “You were the bomb.”
Sa naging resulta, si Aaron ang nakakuha ng pinakamataas na marka, 96.3%, at nasa ikalawang puwesto naman si Jude with 95.3%, na hindi nalalayo sa score ni Essam na 95%.
Good fight pa rin, Essam, pero sina Aaron at Jude ang aabante sa next round.
