← Back to Home
Arthur Miguel, ikinuwento kung paano niya nabuo ang kantang SULYAP | It’s Showtime

Arthur Miguel, ikinuwento kung paano niya nabuo ang kantang SULYAP | It’s Showtime

Arthur Miguel, ikinuwento kung paano niya nabuo ang kantang SULYAP | It’s Showtime

🕒 10/20/2025, 5:56:28 AM726 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMagFUNsikat#Arthur Miguel#Sulyap#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ryan Bang#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#MC Muah#Lassy

Habang papalapit ang katapusan ng taon, may bago bang chapter sa life mo? Baka naman nagbago ang pananaw mo sa buhay, o nagbago ang taste sa music. Pero kung feelings ni crush ang nagbago, aww, ipagdarasal namin ang mabilis na pagmo-move on mo. Surround yourself with friends and family who truly love you and make you happy.

Heto ang hindi magbabago—ang good vibes na dala ng "It's Showtime" para sa inyo Madlang People! Kaya bago magtapos ang taon, sabay-sabay nating harapin ang mga pagbabago with a grateful heart.

Mago-good vibes ka rin sa isang harana from singer-songwriter Arthur Miguel. Mapapasulyap ka talaga sa charisma ng "Sulyap" singer. Paano nga ba niya nabuo ang kantang 'to?

Sa hirap ng buhay ng isang mangingisda, minsan ang kita ay sapat lang sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya sana isa sa kanila ang makabingwit ng POT money o kahit ng malaki-laking Li-POT offer sa "Laro Laro Pick."

Kinilala ng hosts si Jerry, isang mapagmahal na ama mula Laguna. Pangingisda na ang kinalakihan niyang buhay. Dahil 15 lang siya nang magsimulang matuto sa tatay na mangingisda rin. Pangingisda na ang nagtaguyod sa kanyang pamilya, lalo na sa pag-aaral ng mga anak. Kung hindi man siya palarin sa game arena, sana dumating pa rin ang winning moment niya sa buhay bilang mangingisda.

Palabiro at masayahin naman si Don Don kahit pa doble ang hirap at panganib sa ginagawa niyang mano-manong pagsisid. Nag-alala ang "Showtime" hosts sa kaligtasan ni Don Don, na kayang manatili sa ilalim ng dagat sa loob ng limang minuto para lang makahuli ng isda. Ingat po palagi, Kuya Don Don at sana'y dumami pa ang mabingwit n'yong biyaya.

Hindi naman napigil ni Nanay Aileen ang luha dahil sa mensahe ng anak niyang dalaga, na aminadong palaging nag-aalala sa trabaho ng ina't amang mangingisda lalo na kapag masama ang panahon. Si mister naman ay 'di maitago ang kilig nang magbigay ng mensahe.

Para sa pag-asang maging champion, dapat piliin ang tamang kahon sa "Illuminate or Eliminate." Sa "It's Giving," ang kategorya ay mga pinakakaraniwang gulay sa Pilipinas ayon sa isang website, pagkatapos ay napa-sing along ang lahat sa kantang "Anak" sa "You Gotta Lyric." Isa lang ang pwedeng makahawak sa swerte pagdating ng "PILImination" round at ito ay ang mangingisdang si Ronel.

Palaban ang mangingisdang si Ronel at malaki ang puso para sa kapwa. Sa "Laro Laro Pick" jackpot round, gustong-gusto niyang piliin ang POT na katumbas ng kalahating milyon, hindi lang para sa sarili at kanyang pamilya, kundi para makatulong sa mga kapwa mangingisdang kasama sa studio.

Isa sa kanyang tutulungan si Aileen. Pero sabi naman ni Aileen, huwag mag-pressure si Ronel at pakinggan lang ang laman ng puso. Hanggang sa umabot ng P60,000 ang offer sa Li-Pot, mas pinili na niya ito para siguradong may maiuuwi sa pamilya at maitutulong sa iba.

Good choice naman ang Li-Pot dahil nang subukan niyang sagutin ang Pot question tungkol sa unang Pilipinong idineklara bilang santo, hindi nakasagot si Ronel dahil hindi siya Katoliko kaya hindi kabisado ang mga trivia katulad nito. Congrats, Ronel! Mag-uuwi ka ng P60,000!

Mas lalong umiinit ang laban sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9 Pangkatapatan kung saan tig-isang pambato mula sa Pangkat Luntian at Pangkat Bughaw ang muling nagharap sa entablado para ipakita ang kanilang husay at puso sa pagkanta.

Mula sa Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante, ibinuhos ni FJ Cortez ang puso with her rendition of "Close To Where You Are" by Jonalyn Viray. Naging emosyonal si FJ matapos ang performance dahil ramdam niya ang mensahe ng awitin bilang isang single mom na patuloy na bumabangon sa kabila ng mga pagsubok. Komento ni hurado Billy Crawford, bagay na bagay sa boses ni FJ ang napiling kanta.

Samantala, mula sa Pangkat Bughaw ni mentor Mark Bautista, inialay ni Precious Baraquil ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan” para sa kanyang ina. Inspirasyon din niya ang kanyang twin sister na isa ring mang-aawit. Ayon kay hurado Jed Madela, naramdaman niya ang sincerity ni Precious, which is very important sa isang performance. Mahirap man ang areglo ng kanta, na-pull off pa rin niya nang maganda.

Ayon naman sa punong hurado Marco Sison, parehong nagpakita ng galing ang dalawang contenders ngayong araw.

Parehong ginalingan kaya dikit ang naging laban! Nakakuha si FJ ng 95%, habang si Precious naman ay nagtala ng 94.7%. Sa ngayon, may tig-2 points na ang parehong grupo

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Arthur Miguel, ikinuwento kung paano niya nabuo ang kantang SULYAP | It’s Showtime | Cheezmis