← Back to Home
Vice Ganda, SINANIBAN ng asawa ni Ester?! | It’s Showtime

Vice Ganda, SINANIBAN ng asawa ni Ester?! | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 10/2/2025, 5:16:08 AM741 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Ester#Ester Showtime#Ester Laro Laro Pick#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Ang ‘O’ sa Oktubre stands for ‘okay’ dahil oks na oks ang Thursday kasama ang “It’s Showtime” family. O as in OA ang tawanan sa mga jokes na biglaan at nonstop na kulitan. O as in oras na para kalimutan ang problema at kumapit sa pag-asa.

Serving o-some music naman ang grupong The Company na hinarana ang Madlang People, bitbit ang ilan sa mga hits nila na minahal ng publiko katulad ng “Now That I Have You.” Mga boses nila Moy, OJ, Sweet at Annie sobrang nakakakilig parang kuryente.

Sabi nila, kalabaw lang ang tumatanda. Ang mga bisita nating beloved lolo at lola, nagkakaedad man pero ang ngiti at pag-asa sa puso ay hindi naglalaho. Kaya ‘pag sila ang kakuwentuhan, asahan mong good vibes lang ang usapan. Sila naman ang bibida sa “Laro Laro Pick” game arena.

Parang teenager lang kung humataw si Lola Ester, na feeling young and in love forever. Si Lola ang patunay na ‘pag ang tamang tao ay ‘yong natagpuan, hindi siya titigil na ika’y mahalin kailanman. Wala man ang kanyang irog na si Andres, pero buhay na buhay ito sa kanyang puso. At mas lalo pang nabuhay ang alaala ng mahal niya, nang si Vice Ganda ay ‘sinapian’ ni Tatay Andres, at sila’y nagkantahan ng mga awiting nagsilbing musika ng kanilang pagmamahalan.

Si Tatay Nandy, tuloy pa rin ang pagtatrabaho bilang tindero, katuwang ang kanyang asawa. Nag-iipon kasi siya para pagdating ng Pasko ay may maibigay na regalo sa minamahal na apo. Napakasarap talagang mag-alaga ng mga lola’t lolo, ano? Biro ni Meme, si Tatay Nandy ‘yung mga tipong ‘di bet ang mga beki. Pero nang sila’y magkausap, nakita niyang tunay na marespeto si Tatay Nandy sa lahat.

Ice cream vendor naman si Lolo Lito, na ang tanging hiling sa Pasko ay malakas na pangangatawan at maayos na kalusugan para tuloy-tuloy lang ang trabaho, at sana magkaroon ng sapat na pera ang mga Pilipino. Awww. Napakalaki ng puso ni Lolo Lito.

Mukha mang mahina na ang kanilang mga tuhod, pero ang mga seniors na bisita, laban na laban pa! Give na give sa sayawan pati na sa sagutan at kantahan. Sa “It’s

Giving,” mga kakaning Pinoy ang kategorya, “Diana” naman ng piyesa ng sing-along sa “You Gotta Lyric.”

Limang players ang umabante sa PILImination kung saan may isang bote na magkukulay pink ang tubig ‘pag inalog. At napunta ito kay Lola Shirley, na maglalaro sa final game.

Sa jakpot round ng “Laro Laro Pick,” si Lola Shirley nilabas ang kulit sa ‘bardagulan’ nila ni Vice Ganda. Ang daming hirit! Kuwento niya, nagtatrabaho siya bilang helper sa isang tindahan. Dati siyang factory worker at caregiver at kung anu-anong raket pa para maka-survive. Wala na raw siyang kamag-anak pero may isang batang kinupkop niya at pinag-aral mula elementarya hanggang ngayon sa kolehiyo. Mabuhay ka, Lola Shirley!

Pagod pero masaya, ganyan niya ilarawan ang buhay. Halata ngang masaya dahil kahit si Meme ay naaliw sa mga hirit niya nang magsimula ang tawaran sa POT at Li-POT. Dahil espesyal ang mga lolo’t lola na bisita, for the first time ay pumayag si Meme na ibigay kay Lola Shirley ang offer sa Li-POT (P50,000) at the same time sugalan ang POT (P100,000).

Ang tanong sa POT, "Sino ang tinaguriang Asia's Queen of Songs?” at ang sagot niya’y si Pilita Corrales. Bumuhos ang emosyon ni Lola Shirley habang nagbunyi ang buong studio nang masungkit niya ang P100,000 na panalo. Masaya si Lola dahil sure nang may pangmatrikula ang anak-anakan niya. May bonus P50,000 pa!

Bago ang inaabangan na finals ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, reresbak muna ang mga mang-aawit na sumisigaw ng second chance.

Nagbunutan ng araw ng pagkanta ang 14 resbakers. Ngayong Huwebes, unang sumabak sa entablado si Jesiree Castaños ng Butuan City, who soared through her high notes singing “Lipad Ng Pangarap.” Sumakit ang ulo ni hurado Mark Bautista, na nahirapan mamili sa tatlong nagtanghal. “Great job,” sabi niya kay Jesiree.

Isang dakilang ama naman ang sumunod na lumaban. Si Anthony Dal ng Camiguin Island, nagpasiklab sa kantang “I Put A Spell On You.” Sabi naman ni hurado Bituin Escalante kay Anthony, “Bravo!”

Ready to fight naman mula ang resbaker ng Pagadian City, Zamboanga Del Sur, Richel Balignot na parang may mahika ang tinig sa pagkanta ng “Aguhon.” As for hurado Nyoy Volante naman, “excellent” ang paglalarawan niya kay Richel.

Tatlong resbakers ay nagpakita ng galing pero isang tinig lang ang nanaig. Tuloy ang laban ni Richel sa tanghalan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.