← Back to Home
Tatay Edgar, nanatiling positibo kahit na mahirap ang buhay | It’s Showtime

Tatay Edgar, nanatiling positibo kahit na mahirap ang buhay | It’s Showtime

Tatay Edgar, nanatiling positibo kahit na mahirap ang buhay | It’s Showtime

🕒 10/16/2025, 5:11:26 AM785 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRoadTo16#Laro Laro Pick#Edgar#positibo sa buhay#Karylle#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Umulan man o umaraw, kahit ang takbo ng panahon ay hindi maintindihan, isa lang ang sigurado, dito sa "It's Showtime" ay sama-sama tayo at walang iwanan. Kaya ilabas ang matatamis na ngiti at sumabay sa hiyawan para lapitan ng swerteng inaasam.

Parang si guest co-host Bianca Umali na super taas agad ng energy kahit opening pa lang. Kilig ‘yan siya dahil nakatabi ang bandang Zelle na paborito nila ng daddy niya. Hindi pinalampas ni Bianca ang pagkakataon at nakipag-duet pa kay Zelle at inilabas ang kanyang rap skill.

Sa mundong magulo, sila ang nagbibigay ng kalinisan sa ating kapaligiran. Saludo tayo sa mga street sweepers na walang pagod sa pagkayod at paglilinis, umulan man o umaraw.

Malinis, hindi lamang ang kanyang paligid, kundi pati puso at hangarin ni Tatay Edgar sa kapwa. Hindi man madali ang buhay pero nananatili siyang grateful sa mga biyaya, at puno ng pagmamahal para sa pamilya. Sabi niya, kung siya ay mananalo, uunahin niyang ibahagi sa mga kasamahang street sweepers ang papremyo dahil alam niyang mas mahirap ang kanilang sitwasyon. Kahit papaano, silang mag-anak ay hindi naman daw binabaha, hindi tulad ng mga kasamahan niya. Kung pwede nga lang ay ipasa niya sa isa pang kasama ang pwesto kung sakaling siya man ang umabante sa jackpot round. Saludo kami sa’yo, Tatay Edgar, hindi lang sa kabutihan mo sa kapwa kundi pati na sa pagiging loyal na asawa. Sa buong buhay niya’y wala siyang ibang minahal kundi si misis. ‘Sana all’ na lang, ‘di ba?

Katulad ni Tatay Edgar, hindi pansarili lamang ang pangarap ni Nanay Neri, na todo ang pagtatrabaho para sa mga apo na siya na ang nagpalaki. Si Tatay Gaby naman, may panawagan sa mga kabarangay na dapat daw sa sarili mismo manggaling ang kagustuhang panatilihing malinis ang paligid.

Ma-sweep kaya ng street sweepers ang jackpot prize?

Dapat wise ang pagpili sa “Illuminate or Eliminate” para swerte ay kumapit. Sa “It’s Giving,” ang category ay mga sangkap sa paggawa ng halo-halo ayon sa isang

website. Sa "You Gotta Lyric,” feel na feel ang hugot sa awiting “Ang Pag-Ibig Kong Ito.” Hanggang sa dumating ang “PILImination” at si Bing ang nagwagi.

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, positibo ang pananaw ni street sweeper Bing na may maiuuwi siyang malaking papremyo para sa mga alagang pusa at aso, na ang ilan ay may sakit kaya kailangan niya ng pera panggastos sa pagpapagamot ng mga alaga.

Ang mga fur babies ang nagpapasaya ng buhay niya pati na rin ang partner na si Aida. Kilig-kiligan si Nanay Bing habang ikinukuwento ang love life. Dahil inspired, no’ng una’y desidido siyang ilaban ang POT question na magbibigay sa kanya ng P400,000 kung masasagot niya nang tama. Pero inalala ni Bing ang mga alaga. Mas pinili niya ‘yung sigurado, ang P50,000 offer sa Li-Pot.

Katuwaan lang, ipinasubok kay Bing na sagutin ang Pot question, “Ayon sa Anti-Littering Apprehension Report ng MMDA, ano ang nangunguna sa listahan ng kadalasang itinatapong kalat sa Metro Manila?" Ang unang naisip at naisagot ni Bing sa loob ng limang segundo ay “upos ng sigarilyo.” At agad namang inanunsyo ni Jhong Hilario na ito nga ang tamang sagot. Sayang! Pero, ‘di bale, winner pa rin si Nanay Bing na nag-uwi ng P50,000.

Ngayong dalawang grupo na lang ang natitira sa Pangkatapatan round ng "Tawag Ng Tanghalan" Year 9, mas tumitindi ang laban.

Tuluyan nang nagpaalam ang Pangkat Pula ni mentor Nyoy Volante. Pero dalawa mula sa original na siyam na members nito ang napunta sa Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante at dalawa rin sa Pangkat Bughaw ni Mentor Mark Bautista.

Tuloy-tuloy ang bakbakan sa tanghalan! Simula sa araw na 'to, tig-isang pambato mula sa dalawang grupo ang maglalaban hanggang sa makaipon sila ng points at ang grupong makakakuha ng mas maraming puntos sa dulo ang mananatili sa kompetisyon.

Mula sa Pangkat Bughaw ni mentor Mark, sumalang agad ang "import" niyang si Mary Rose Blanes, na ipinamalas ang kanyang bersyon ng “Nothing Compares 2 U.” Inialay niya ito sa mister na minsang nawalay sa kanya pero nagkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila. Sabi ni hurado Karylle, she liked that Mary Rose got out of her comfort zone, bagaman may hinanap siya na hindi nakita dahil na rin sa song choice.

Samantala, mula naman sa Pangkat Luntian ni mentor Bituin, nagpasikat si Leira Ann Raynes sa kantang “Masterpiece.” Puri ni hurado Billy Crawford ang risk na ginawa ni Leira sa pagpili ng kanta, pero napuna niya ang 'di malinaw na bigkas ng mga letra.

Sa pagtatapos ng round, itinanghal na panalo si Mary Rose ng Pangkat Bughaw matapos makakuha ng 92.3%, habang nagtala naman ng 90.7% si Leira Ann ng Pangkat Luntian. May one point na ang team ni mentor Mark.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tatay Edgar, nanatiling positibo kahit na mahirap ang buhay | It’s Showtime | Cheezmis