← Back to Home

DonBelle, gabi-gabing magpapakilig sa “How to Spot a Red Flag”

Gabi-gabing magpapakilig sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang pagbabalik-primetime TV sa seryeng “How to Spot a Red Flag.”

🕒 1/26/2025, 2:37:32 PM188 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Donny Pangilinan#Belle Mariano#DonBelle#How to Spot a Red Flag#New Gen Phenomenal Love Team#Jameson Blake#Mylene Dizon#Benjie Paras#Angel Aquino#Christian Vasquez#Esnyr Ranollo

Gabi-gabing magpapakilig sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang pagbabalik-primetime TV sa seryeng “How to Spot a Red Flag,” na mapapanood simula Enero 27 (Lunes) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 ng 9:30 PM.

Unang nang pumatok ang serye nang ipalabas ito sa Viu kung saan tuwang-tuwa ang viewers na masaksihan ang umuusbong chemistry ng DonBelle para sa isang kwento na puno ng good vibes at kilig scenes.  

Umiikot ang istorya ng “How to Spot a Red Flag” kay Cha (Belle), isang cute at palaban na babaeng naging biktima ng catfishing. Sa kabila ng panloloko sa kanya ng good boy na si Matt (Donny) at bad boy na si JR (Jameson Blake), posible pa kaya siyang ma-inlove nang maipit silang tatlo sa isang love triangle?

Kiligin gabi-gabi sa “How to Spot a Red Flag” na mapapanood kada 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Enero 27. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Kasalukuyan din napapanood ang serye sa Viu, na may bagong episode kada Lunes at Martes ng 12 midnight.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
DonBelle, gabi-gabing magpapakilig sa “How to Spot a Red Flag” | Cheezmis