← Back to Home
Pepe at Jerald, kinilatis isa-isa ang mga TagoKanta | It’s Showtime

Pepe at Jerald, kinilatis isa-isa ang mga TagoKanta | It’s Showtime

🕒 1/23/2025, 6:45:06 AM570 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Maliwanag ang Thursday dahil sa’yong bright smile and energy! Siguradong hindi rin mabubura ang ngiti mo dahil sa kilig harana na hatid ni Jarren Garcia. Talagang dumagundong ang hiyawan ng mga kababaihan sa studio dahil kay Jarren, na wala pa ngang ginagawa, eh kinakikiligan na ng madla!

Biro ng ‘Showtime’ family, parang keri na ni Jarren maging semi-regular performer sa show. Uy, pwede! For sure, magiging happy ang marami. Kuwento ni ‘Tyang’ Amy Perez, nang minsan ay may lumapit kanya para sabihin na palagi nilang inaabangan si Jarren sa ‘It’s Showtime.’ Maging si Lassy ay ‘di naitago ang kilig!

Well, kung may collaboration with the ‘Showtime’ family, game si Jarren d’yan. At ang pipiliin n’ya na maka-duet ay si Ryan Bang. Boys, sample naman!

Extra special din ang Thursday dahil birthday ng ‘Showtime’ cutie na si Kelsey! Panoorin ang sweet na pagbati sa kan’ya nina Argus, Jaze, Kulot, Stephen, at Briseis.

Tuloy-tuloy ang good vibes at rampahan ng kagandahan at kaseksihan sa ‘Showtime Sexy Babe.’

With confidence, ibinida ni Sexy Babe Joana ang mga tattoos niya na may interesting backstories. Kaya ang mag-bestie na Kim Chiu at Bela Padilla, may pag-flex din ng matching tattoos nila. Eh, saan naman ‘yung sa’yo, Kuys Jhong Hilario?

Very positive ang aura ni Joana dahil may oppa na nagpapasaya sa puso niya. Aba, Joana, meron din kaming oppa! Si Ryan Bang, ang BABEbimbap ng bayan!

Para sa mga tamad-tamaran, perfect sa inyo ang pick-up line ni Sexy Babe Amara. Pero eme lang talaga ‘yun! Dahil si Amara, masipag na anak at estudyante, sabi ng supportive mommy niya. At NBSB ang magandang dalaga. Si Lassy, NBSB din daw, as in, No Beauty Since Birth.

Aliw naman ang reaksyon ni Amara sa pagkakapanalo niya. Dahil ang plot twist, sa Tawag Ng Tanghalan talaga sya nag-audition pero sa Sexy Babe

sinalang. Ngayon ay naniniwala na siya sa redirection. Relate d’yan si Cianne Dominguez!

Tuloy ang tagu-taguan sa kantahan! For today’s “Hide and Sing,” nakigulo sina Pepe Herrera at Jerald Napoles as TagoHula tandem.

Kantahan talaga ang genre, pero nahahaluan ng masayang komedya ‘pag sina Pepe at Jerald ay nagsama at nakipagkulitan sa ‘Showtime’ pamilya. Nasa harap na nga nila si Darren Espanto, pero paanong si Darren pa rin ang hula ni Pepe kay TagoKanta 3? Ang saya at ang gulo!

Pero huwag magpapadala sa mga patawa nila, dahil pagdating sa hulaan, seryoso sila kung lumaban. Si Pepe, may ‘reverse psychology’ pang nalalaman! Pagdating ng Round 2 kung saan ang mga TagoKanta ay nag-perform solo, sure na raw si Pepe na hindi si Darren si TagoKanta 3 dahil sa “micronote.”

At kahit ibahin man ni TagoKanta 1 ang timbre ng boses n’ya, hindi umumbra kina Pepe at Jerald ang panlilinlang niya. Hundred percent sigurado ang funny duo na si Christian Bautista ang celebrity singer na nagtatago!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Pepe at Jerald, kinilatis isa-isa ang mga TagoKanta | It’s Showtime | Cheezmis