← Back to Home

“Incognito,” nakakuha ng 585,973 live concurrent viewers sa YouTube

Nakakuha ng lampas kalahating milyong live concurrent viewers (585,973) sa Kapamilya Online Live sa YouTube ang pilot episode ng "Incognito" noong Lunes (Enero 20) .

🕒 1/22/2025, 4:08:38 AM234 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Incognito#Jestoni Alarcon#Ian Veneracion#Richard Gutierrez#Baron Geisler#Daniel Padilla#Malou De Guzman#Kaila Estrada#Anthony Jennings#Maris Racal#Incognito Behind The Scenes#Incognito BTS#Incognito Episode 1#Incognito cast#Jose Bonifacio#Andres Malvar#Greg Paterno#Tomas Guerrero#Max Alvero#Miguel Tecson#Gab Rivera


Nangunguna ang pinakabagong serye ng ABS-CBN na "Incognito" sa listahan ng pinakapinanood na serye ng Netflix Philippines dahil sa action packed scenes ng serye at pagpapamalas nito ng ganda ng Atok, Benguet.

Bukod sa pagkuha ng No. 1 spot sa streaming platform, nakakuha rin ng lampas kalahating milyong live concurrent viewers (585,973) sa Kapamilya Online Live sa YouTube ang pilot episode nito noong Lunes (Enero 20) . Bumuhos din ang papuri na natanggap ng serye at nag-trending ang characters at serye sa X.

Sa unang episode nito, napanood ng viewers ang madugong pagkidnap ng isang sindikato sa anak ng ambassador na si Takako Rai (Belle Mariano). Agad naman humingi ng tulong ang general kay Gregorio Tecson (Ian Veneracion) para makuha ang anak ng ambassador nang hindi pumapayag sa kondisyon ng sindikato.




Hindi naman nagpaligoy-ligoy si Gregoryio at unti-unti binuo ang kanyang grupo sa katauhan nina Jose Bonifacio (Richard Gutierrez),  Miguel Tecson (Baron Geisler), at Andres Malvar (Daniel Padilla).




Tutukan sa susunod na episodes kung paano pa niya mapapapayag ang mga karakter nina  Kaila Estrada, Anthony Jennings, at Maris Racal sumali sa kanilang grupo at kung paano sila magtutulungan sa una nilang misyon.




Abangan ang mga pasabog na eksena sa pilot week ng “Incognito” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“Incognito,” nakakuha ng 585,973 live concurrent viewers sa YouTube | Cheezmis