← Back to Home
Isay, piniling harapin si Isaac sa isang SHOWDOWN! | It’s Showtime

Isay, piniling harapin si Isaac sa isang SHOWDOWN! | It’s Showtime

🕒 1/13/2025, 6:37:42 AM747 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Ano ang agenda n’yo this Monday, madlang people, Kapamilya, and solid Showtimers? #MapusongMonday ba ang hashtag mo dahil Monday is ‘bebe time’ for you? O baka #WorkWorkWorkMonday ang ganap mo? Pwede rin naman ang #ShowtimeMonday dahil wala nang mas sasarap pa ‘pag sinalubong ang Lunes kasama ang ‘Showtime’ family.

Kaya nga very happy si OPM icon Odette Quesada na sa “It’s Showtime” siya nag-celebrate ng birthday. Pero siya ang may regalo kahit siya ang nagdiriwang ng kaarawan–isang matamis at nakaka-senti na kantahan

Bumisita rin sina Denise Laurel, Sofia Pablo at Allen Ansay. Kasama si Dominic Ochoa, na sobrang na-miss ‘yung feeling na ‘trip’ siya ng Showtime friends niya.

Complete ang casting for today’s “Showing Bulilit.” Ito na ang much-awaited comeback ng Showtime kids na sina Argus, Kulot, Imogen, Kelsey, Annika, Briseis, Stephen, at Jaze.

Back to hula mode na rin ang magkakapares na sina Jugs Jugueta at Cianne Dominguez, Jhong Hilario at Ion Perez, Bela Padilla at Ryan Bang. Join din sina Showtime Online U hosts Wize Estabillo at AC Soriano na ka-tandem nina Teddy Corpuz at Vhong Navarro. As partners din sina Jackie Gonzaga at Darren Espanto, na sobrang lakas talaga ng chemistry when they’re dancing together.

As always, give na give ang aktingan ng kids, na ginaya ang mga iconic eksena from local and international shows and movies, from “Wild Flower” and “Dolce Amore” to Korean series “Extraordinary Attorney Woo” and “Squid Game.” Dahil matagal-tagal natin silang ‘di nakita, ang mga kids natin, big boys and big girls na! Kapansin-pansin nga ang pagbabago sa ngiti ni Kelsey!

Pero, si Bela, parang hindi makangiti dahil sa mali-maling sagot ni Ryan. Napaupo na lang si Bela sa sobrang inis. Sina Jhong at Ion, nagpatalo sa umpisa, pero sa dulo, sila pala ang mananalo!

Simula na ng week-long Final Examination sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Ang 20 student champions, nahati sa dalawang grupo–Team Black at Team White.

Mula Lunes hanggang Biyernes, dalawang round ng Team White vs Team Black face-off ang ating masasaksihan, hanggang sa mabuo ang lineup ng grand finalists para sa “Huling Tapatan” sa Sabado.

Hindi ito simpleng bosesan lang, dahil sa larong ‘to, kailangan din ng pautakan. Sa palabunutan malalaman kung sino ang contenders na sasalang. Pero ang twist, may pagkakataon ang contenders na magdesisyon kung lalaban siya o ipapasa sa ibang teammate ang pagkanta. May special prize rin na matatanggap ang team na may pinakamaraming survivors.

Ang unang nabunot mula sa Team White ay si Isaac Zamudio ng Far Eastern University na piniling lumaban na. Para naman sa Team Black, ang unang natawag ay si Isay Olarte ng College of Calapan, na sumabak din agad sa pagtatanghal.

Sa pagsisimula ng Round 1, Isaac versus Isay, puso agad ang ipinanlaban ni Isaac sa pagkanta ng SB19 song na “Hanggang Sa Huli.” Inawit naman ni Isay ang “’Di Na Muli” ng Itchyworms.

Agad-agad in-announce kung sino ang unang pasado sa round na ‘to. At ito ay walang iba kundi si Isay (95.4%). Samantala, si Isaac (na nakakuha ng score na 95.2%), bagama’t hindi nagtagumpay ay puno pa rin ng pasasalamat.

Sa second face-off, nabunot mula sa Team White si Christian Tibayan ng De La Salle University-Lipa, na matibay rin ang loob na kumanta. Nabunot naman mula sa Team Black ang pangalan ni Carmelle Collado ng King Thomas Learning Academy, Inc. Pero, naging strategic si Carmelle, na ipinasa ang pagkanta sa teammate niyang si John Cedric Ramirez ng University of Rizal System-Morong.

Magkaibang tunog ang ipinarinig nina Christian at John. Mapuso at emosyonal ang bersyon ni Isaac ng “Naririnig Mo Ba.” Litaw naman ang swag at style ni John sa pagkanta ng “Gayuma.” Matapos ang laban, si Isaac ay nakakuha ng grado na 96%, samantala, 94% naman ang kay John.

Dhil sila ang may mas mataas na grado sa kani-kanilang face-off rounds, sina Christian at Isay ang aabante sa Huling Tapatan sa Sabado.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Isay, piniling harapin si Isaac sa isang SHOWDOWN! | It’s Showtime | Cheezmis