← Back to Home
Anne, lumayo nang makitang papasok na si Vice Ganda | It’s Showtime

Anne, lumayo nang makitang papasok na si Vice Ganda | It’s Showtime

🕒 12/5/2024, 4:53:50 AM637 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Twenty days na lang, Pasko na! Ang bilis talaga ng panahon, mapapa-reflect ka na lang sa lahat ng nangyari ngayong taon. Dahil ginalingan mo this 2024, deserve mo rin ang pahinga at self-love. Kaya relax muna with the “It’s Showtime” family.

Ang first order ng pampa-happy, “Showing Bulilit” featuring our cuties Argus, Kulot, Jaze, Stephen at Kelsey! From action to drama to kilig and comedy, may baon silang eksena na sayo’y magpapabilib at magpapangiti.

Napangiti rin si Darren Espanto, thanks to Jackie Gonzaga’s pick-up line. Binuking kasi ni Kim Chiu, nagselos daw ang bestie niya sa pagbisita ni Anjo Pertierra. Pero kung akala ni Kimmy nakaligtas na siya sa pagiging bunot for the day, biglang humirit si Vhong Navarro about her OOTD. Mukhang mapapa-smile rin si Vice Ganda dahil ang ‘babe’ niya, Ion Perez, may ‘patama’ na sobrang tamis.

“Thank you for guesting, Anne Curtis,” biro ni Kuys Vhong Navarro sa Dyosa na sobra nating na-miss. Heto na nga ang isa pa nating na-miss: Vice-Anne bardagulan!

Mga bulungan at titigan na matamis! ‘Yan naman ang eksena nina Dylan Yturralde at Jas Dudley-Scales, na nakihula sa “And The Breadwinner Is.” Sa tatlong Breadwinnables, isa lamang ang office staff worker at siya ang dapat piliin ng JasDy para lahat ay winner.

Parehong matalino sa pagkilatis sina Dylan at Jas. On point ang mga tanungan at observant sa aktingan. Magkaiba man sila ng Trabahador na pinusuan pero ‘matic magpapaubaya si Dylan. Kung ano ang gusto ni Jas, ‘yun ang masusunod dahil tiwala si Dylan sa ‘ka-partner’ niya!

Pero matapos ang pagkilatis, ang hula ng JasDy, na-ekis! Ang hinahanap pala na breadwinner-office staff worker ay si Breadwinnable 3, Sherwin.

Ihanda ang puso dahil tatagos sayo ang kwento ni Sherwin. Lumaki siya sa piling ng lola dahil hindi kaya ng mga magulang niya na tustusan silang magkakapatid. Pero nang si lola ay pumanaw, bumalik si Sherwin sa poder ng ina, at doon na rin nagsimulang bumigat ang mundo niya, dahil siya ang naging breadwinner. Labing-anim ang kailangan niyang buhayin sa sweldong hindi naman sasapat para sa kanilang lahat, kaya sahod-bayad-utang ang naging kapalaran. At araw-araw, umuuwi siya sa isang tagpi-tagping tahanan. Minsan ay nagdadasal na lang siya at napapatanong kung ano ang plano ng Diyos sa kanya. Nasasabi niya sa sarili na sana hindi siya iniwan ni Lola.

Si Sherwin, isang breadwinner na humihingi na ng saklolo. Ang wish niya, dumating ang panahon na matutunan din ng mga kapatid niya na tumayo sa sariling mga paa. Pero sa kabila ng mga responsibilidad para sa pamilya, hindi niya isinasantabi ang pangarap para sa sarili, kaya sinkap n’yang bumalik sa pag-aaral. Si Sherwin, may isang simpleng kahilingan ngayong Kapaskuhan. Ano kaya ito?

Dreams will shine sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Ma-amaze sa performances ng dalawang estudyanteng may magagandang tinig.

Tanauan Institute represent! Ang pambato ng TI, si Katleene De Chavez, sisikapin na mga hurado ay mapa-yes. Pagkanta niya ng “Oo” sa tanghalan, siguradong hindi mo hihindian.

For sure, madamag mong pakikinggan ang “Araw-Gabi” ni Elizabeth Rogacion. Performance ng Lyceum of the Philippines University-Cavite bet, pupukaw sa ‘yong atensyon.

Sa huli, si Ma. Elizabeth ang nakakuha ng mas mataaas na grado mula kina hurado Darren Espanto, Nyoy Volante, at Dingdong Avanzado.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.