← Back to Home
April, breadwinner para sa kaniyang mga magulang at 10 kapatid | It's Showtime

April, breadwinner para sa kaniyang mga magulang at 10 kapatid | It's Showtime

🕒 11/30/2024, 6:18:21 AM532 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Ready ka na bang mabunot sa Christmas raffle? Sa pamamagitan ng ngiti, i-manifest ang luck sa paparating na mga Christmas parties. Effective ang good vibes at positivity para ma-attract ang swerte!

Ma-a-attract ka rin for sure sa cutie dimples ng ating tagahula na si Jameson Blake! Sa segment na "And The Breadwinner" is, masusubukan ang galing niya sa pagkilatis. Sino sa tatlong Trabahador ang breadwinner na accountant?

Kung tindig ang basehan, kumbinsido na si Jameson kay Breadwinnable 1. Pasya niya ay hindi nag-change nang isalang ang tatlong trabahador sa Math challenge. After three rounds, nag-stick si Jameson kay Breadwinnable 1, kahit si number 2 ang pinili ng Madlang People at kan'yang partner player. Pero ang hinahanap na totoong breadwinner-accountant ay si Trabahador 3, April. 

Panganay sa 11 na magkakapatid, si April ang mag-isang nagtataguyod ng kanilang pamilya dahil hindi sasapat ang kita ng mga magulang niya mula sa pangangalakal. Kung minsan nga, pakiramdam niya ay parang ATM ang turing sa kan'ya ng pamilya. Ang pinakamasakit na parte ng pagiging breadwinner ni April ay ‘yung minsan na nga lang niya pagtuunan ng pansin at alagaan ang sarili, pero parang hindi pwede. Sa tuwing ibibigay nya sa sarili ang mga bagay deserve naman niya, parang nagtatampo pa ang kan'yang pamilya.

Sa mga family blessed with a breadwinner tulad ni April, huwag nating kalimutan na pahalagahan ang lahat ng binibigay at ginagawa nila. Minsan, isang 'thank you' lang ay sapat na. Samantala, nagbayanihan ang 'Showtime' family para i-reward ang hard work ni April bilang breadwinner. 

The class is now in session. Apat na estudyante ang nagbabalik para sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown" 7th Midterm examinations.

Bandera ng Bicol University, bitbit ni Aihna Imperial, na nagpa-impress sa pagbirit ng "It's A Fool's Game." 'Ika nga ni hurado Nyoy Volante, tamang-tama ang timpla ng emosyon ni Aihna.

OPM hit na "Di Ko Kayang Tanggapin" ni April Boy Regino, binigyan ng bagong tunog ni Hargie Ganza ng Canlubang Integrated School. One of the best versions kung ilarawan ni hurado Dingdong Avanzado ang pag-awit ni Hargie.

Si Yvette Celoso ng Tubod College, pasabog ang performance sa TNT stage! Sisikapin n'yang makarating sa dulo ng kumpetisyon sa pagkanta ng "Dulo" ni Sarah Geronimo. 

Last but definitely not the least, pasabog ang singing prowess ni Zandy Bernaldez ng Lemery Colleges. Para sa mga hurado, sobrang okay ng pagkanta n’ya ng “Separate Ways.”

Sa round na ito, dalawa ang pipiliin para umabante sa Grand Finals. Pasok na ang Top 1, si Hargie, na nakakuha ng marka 95.4%; samantalang Top 2 naman si Aihna na may 93.8% na score.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.