← Back to Home
Darren, ginawan ng iba’t ibang versions ang ‘Paskong Pinakamasaya’ | It’s Showtime

Darren, ginawan ng iba’t ibang versions ang ‘Paskong Pinakamasaya’ | It’s Showtime

🕒 11/26/2024, 5:12:03 AM562 wordsEN

. .

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Bawal ang mainit ang ulo! I-feel muna ang spirit ng Pasko! Maghahari ang pagmamahalan, pero tuloy-tuloy ang bardagulan dahil lahat ng puksaan ay for the sake of fun lang naman.  

At kung kailangan ng pampakalma, pakinggan lang ang Christmas single ni Vice Ganda. Ready, sing! Gusto ko ikaw ang pinakamasayaaaa!  

Tuloy-tuloy ang ligaya with our "Showing Bulilit" cuties. Ang bibida sa harap ng kamera, sina Argus, Kulot, Jaze, Stephen at Kelsey!  

Ang magkakapares, kanya-kanyang paandar with their versions of "Paskong Pinakamasaya." Eh, kung si Darren Espanto ang magpapamalas ng magandang tinig, tatlong versions agad ang maririnig! Thanks to Darren, bersyon nina Erik Santos, Vina Morales, at Gary Valenciano ay maririnig mo kahit sila'y wala sa studio. 

Si Lassy, mukhang naghahanda na sa pagpapalit ng taon. Huwag magtaka kung sa 2025 ay may makita mo siyang mas maganda! Pansin mo ba ang nagbago sa kan’yang mukha?  

Napuno ng kilig ang hulaan session dahil ang players for today ay pares na love ng buong nation! ‘PBB Gen 11’ Big Winner Fyang Smith, sumabak sa “And The Breadwinner Is,” with her best friend, JM Ibarra.  

For today’s video, huhulaan nila kung sino sa tatlong workers ang tunay na makeup artist na breadwinner. May tatlong pagkakataon ang JMFyang para kilatisin ang tatlong trabahador–sa pamamagitan ng pisikal na katangian, sa mga ikinilos sa isang sitwasyon, at mga sagot sa isang tanong. 

Dahil sa husay sumagot at sa performance sa isang makeup challenge, si Trabahador 3 ang napusuan ng JMFyang, at ng madlang audience na nabunot bilang partner player.  

Naku! Ang mag-bestie, nabudol! Si Trabahador 3 ay isang wedding singer, samantalang financial advisor naman si Tabahador 2. Ang tunay na makeup artist-breadwinner ay Trabahador 1, Kenneth.  

Ang kwentong breadwinner ni Kenneth, tiyak ika’y paluluhain. Sa murang edad ay natutong dumiskarte at magsakripisyo. Naging mapait man ang relasyon ni Kenneth sa ama dahil sa kasarian, lahat ng pagmamahal at lakas ay ibubuhos sa pamilyang minamahal nang lubos.  

At bilang reward sa sa kan’yang mga sakripisyo, isang free eye treatment ang handog ng “It’s Showtime,” plus makeup chair at makeup essentials na kailangan sa trabaho. Kenneth, we see you! Wish namin na makita mo rin ang pagmamahal sa paligid mo!  

Boses ay i-fe-flex ng mga estudyanteng ‘da best! Golden mikopono ay paglalabanan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” 

Sweet na harana with OPM hit “Binibini” ang handog ng pambato ng Batangas State University. Si Kirk Hubert Mabilangan, chemistry ang hilig. Pero dito sa ‘Showtime,’ ipaparinig n’ya muna ang tinig.  

Mula naman sa University of Mindanao Tagum College, ang volleyball player na si Chester Gabriel Gultia ang kakanta. “Ika’y Mahal Pa Rin” ang napili n’yang piyesa.  

Matapos ang pagtatanghal, si Chester ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Bituin Escalante, at Darren Espanto. 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Darren, ginawan ng iba’t ibang versions ang ‘Paskong Pinakamasaya’ | It’s Showtime | Cheezmis