← Back to Home
OPM rock icons, nagpasiklab sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

OPM rock icons, nagpasiklab sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

Bumida ang mga rakistang Pinoy sa ika-apat na araw ng "MagPASKOsikat" para sa pagdiriwang ng ika-16 taon ng "It's Showtime."

🕒 12/4/2025, 6:03:33 AM202 wordsEN

Reyma Deveza

#It's Showtime#MagPASKOsikat#rock icons

MANILA -- Madlang people, rock and roll! 

Bumida ang mga rakistang Pinoy sa ika-apat na araw ng "MagPASKOsikat" para sa pagdiriwang ng ika-16 taon ng "It's Showtime."

Nitong Huwebes, binuksan Teddy Corpuz, na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan,  ang pagtatanghal kung saan inawit niya ang "Superhero" kasama ang kanyang bandang Rocksteddy. 




Kasama naman ni Jugs Jugueta ang kanyang grupong The Itchyworms nang awitin nito ang "Akin Ka Na Lang."

Nagsanib-puwersa naman sina Karylle at Aia de Leon sa pag-awit ng"Taralets," na pinasikat ng bandang Imago.

Magkasama naman sina Carl Guevarra ng grupong The Juans at Janine Berdin sa pag-awit ng "Ano Ba Talaga Tayo?"

Sumunod namang sumalang sa entablado si Noel Palomo ng grupong Siakol at inawit ang "Tropa." 

Matapos nito ay sinamahan si Palomo ni Anne Curtis sa pakikipagrakrakan nang awitin nila ang "Lakas Tama."  


Ibang enerhiya naman ang ibinigay ni Bamboo sa "rockpasikat" nang awitin nito ang "Santa Claus Is Coming To Town."

Sa huli ay nagsama-sama ang lahat sa pag-awit ng "Beep Beep," na pinasikat ng bandang Juan dela Cruz, na sinasabing nanguna sa tinatawag na "Pinoy Rock."

SexBomb at Streetboys, bumida sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'


MGA KAUGNAY NA VIDEO:



Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.