← Back to Home
Karakter sa 'Batang Quiapo' na si Noy, pinatay ni Lena

Karakter sa 'Batang Quiapo' na si Noy, pinatay ni Lena

Tuluyan nang kinain ng galit at hindi tamang pag-iisip si Lena (Mercedes Cabral) nang patayin nito si Noy (Lou Veloso) sa sikat na seryeng 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Lunes.

🕒 12/3/2024, 2:49:08 AM143 wordsEN

ABS-CBN News

#Batang Quiapo#showbiz news#Tagalog News#Noy#Cherry Pie Picache#Lena



MANILA -- Tuluyan nang kinain ng galit at hindi tamang pag-iisip si Lena (Mercedes Cabral) nang patayin nito si Noy (Lou Veloso) sa sikat na seryeng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Lunes.

Sa episode 468, tuluyang tinapos ni Lena ang buhay ni Noy bilang ganti sa pamilya ni Marites (Cherry Pie Picache) na idinidiin niya sa pagkamatay ng kanyang anak. 

Sa kabila nang pagnanais na makatakas, sa kanyang kahinaaan ay hindi na nagawa pang mailigtas ni Noy ang sarili mula kay Lena.

Sa social media post ng Dreamscape, nagpasalamat at nagpaalam na ito sa karakter na binigyang buhay ni Veloso.


Samantala, muling ipinakita naman ng mga manonood ang suporta sa "Batang Quiapo" nang pumalo ito ng 522,606 peak concurrent viewers o yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z,  TV5,  iWantTFC at TFC. 



Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Karakter sa 'Batang Quiapo' na si Noy, pinatay ni Lena | Cheezmis