← Back to Home
Ninong Ry on how it feels to become a first-time father: ‘Masaya ang buhay ko ngayon’

Ninong Ry on how it feels to become a first-time father: ‘Masaya ang buhay ko ngayon’

Popular content creator and food vlogger Ninong Ry shares how his life has changed since the arrival of his son Rue last year.

🕒 6/15/2025, 4:48:22 AM619 wordsEN

Rhea Manila Santos

#Ninong Ry#Fathers Day

After welcoming his first child Rue with his non-showbiz partner Belle last year, popular food vlogger Ninong Ry admitted his life has changed a lot since entering his self-proclaimed “Daddy Ry” era in 2024. The popular YouTuber talked to the press about how his son Rue is changing his life for the better during the Mega Prime Foods’ 50 Mega Years anniversary event held at the Shangri-la hotel in BGC last June 6.

“Masaya eh, kasi sa totoo lang ah, yung hirap akong gumising sa iba. Hirap talaga kasi natutulog ako mga ala singko ganyan. Kailangan ko ng bumangon mga alas nuwebe. Hirap ako matulog talaga. Ang ginagawa ng asawa ko, dinadala yung anak ko, dinadala sa kuwarto. Tapos pinapalo-palo yung mukha ko. Pag ibang tao gumawa sa akin, kakabahan, pero ‘pag siya, tuwang tuwang pa ako. Di ba? Alam niya eh, alam niya na may trabaho na agad anak ko eh, alarm clock eh (laughs),” he shared.  

READ: Is YouTuber Ninong Ry ready to join showbiz?

Before becoming a father, Ninong Ry said he did not always go straight home after a long day at work.

“Mas naging hectic yung buhay ko in a sense, pero mas naging masaya rin kasi ano eh … parang minsan, minamadali ko yung trabaho para makauwi na ako sa anak ko kasi minsan pagdating ko, tulog na ganyan. Pero ano, masaya. Alam mo laging sinasabi ng mga tatay, masaya, masaya? Tapos minsan gusto kong itanong, ‘Anong masaya, ikuwento mo naman?’ Tapos ngayon ako na nasa posisyon. Oo nga, basta masaya lang. Basta masaya lang. Mahirap i-explain.

"Pwede ko sabihin yung mga maliliit na details kasi hindi naman siya malaking bagay. Hindi isang bagay lang nagpapasaya eh. Parang ano lang eh, marami siyang maliliit na moments. Alam mo iyon? Marami siyang maliliit na moments na nagsasama-sama para masabing ah okay masaya ang buhay ko ngayon,” he explained.

READ: Vlogger Ninong Ry to make acting debut in ‘Shake, Rattle, & Roll Extreme’

Aside from learning how to take care of a baby, Ninong Ry shared what else he has discovered about himself because of his son Rue.

“Magaling pala ako gumawa ng kanta (laughs). Kapag nagpapahele ako ng bata, nag-iimbento ka ng lyrics eh. Hindi kasi pwedeng yun at yun lang, magsasawa ang anak mo. So I’m sure kayo rin, nagawa niyo iyan. Kapag pinapapatulog niyo anak niyo, kung anu-anong kanta yung ginagawa niyo. Ayun.

"At saka siguro isa pang na-diskubre ko sa sarili ko ay kaya ko palang maging mas patient. Kayang kaya ko pala kasi galing ako sa mundong nagmamadali lahat eh. alam mo yun, nagmamadali. Kailangang ganito, kailangang gawin mong bagay na iyan. Pero kapag talagang may sanggol, hindi ka naman naiintindihan niyan eh. So kailangan talaga maging patient ka and hindi mo iisipan ng masama lahat ng bagay. For example, sinampal ka nung sanggol. Sinampal ka, siyempre, ma-offend ka. Pero dapat hindi. Kasi hindi naman naiintindihan nung bata yan eh. Alam mo yun? Siguro mas natuto ako mas maging open-minded sa bagay-bagay. First time father eh. Marami talaga ma-di-discover sa sarili,” he admitted.

READ: Ninong Ry welcomes first child

If there was one quality he wants his children to inherit from him, Ninong Ry said it is his perseverance and love for his work.

“Gusto ko lang makita niya na pinangangatawanan ko yung trabaho ko. Alam mo, isa sa mga bagay na gusto ko, kasi hindi naman ako pinakamahusay na tao sa mundo eh. Alam mo yun? Pero I can proudly say na masipag ako. Masipag akong tao. And gusto kong manahin iyan ng anak ko. Manahin niya sa akin yung sipag na inexhibit ko. Kasi ako naniniwala akong yung sipag ang magdadala sa isa't nagumpay. Hindi tayo puwede tatamad-tamad,” he added. 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.