← Back to Home

Ivana Alawi may bigating sorpresa kay 'Kuya Jesus'

Sa pinakaabgong vlog ni Ivana Alawi, ipinakita nito ang patuloy na pagtulong niya para kay Kuya Jesus na nagpakita sa aktres ng kabutihan at pagbibigay na walang hinihinging kapalit.

🕒 12/16/2025, 4:01:26 AM526 wordsEN

Reyma Deveza

#Ivana Alawi#Jesus#Tagalog News

MAYNILA -- Isang malaking sorpresa ang ibinigay ni Ivana Alawi kay Jesus Paraboles o Kuya Jesus na nakilala niya sa paggawa ng isang prank kung saan nagkunwari siyang buntis.

Sa pinakaabgong vlog ni Alawi, ipinakita nito ang patuloy na pagtulong niya kay Kuya Jesus na nagpakita sa aktres ng kabutihan at pagbibigay na walang hinihinging kapalit.

Bago pa man muling makita ni Jesus ang kanyang pamilya, ay tinulungan na siya ni Alawi na maghanda.

Napasaya rin ni Alawi si Jesus nang mapanood nito ang isang video greeting mula sa kanyang iniidolo na si Coco Martin, bida ng "FPJ's Batang Quiapo." 


Screen grab: YouTube/Ivana Alawi

Naging emosyonal ang sumunod na tagpo sa naging pagkikita ni Jesus at kanyang mga kapatid.

Screen grab: YouTube/Ivana Alawi

Matapos nito ay nagdesisyon sila na umuwi na sa Bicol kasama si Kuya Jesus.

"Lagi nilang sinasabi na ka-birthday mo si Papa Jesus. Sino ang magaakala na sa ginagawa kong prank may makikilala ako na isang napakabait na tao tapos ang pangalan pa niya ay Jesus. Siya ang lumapit sa akin. Alam ko talaga na hindi ito coincidence, plano ni Lord," ani Alawi.

"Bilang isang content creator, gusto kong ginagamit ang platform ko inspire people, to help people, to share kindness. Hindi ako perpektong tao, marami rin akong pagkakamali sa buhay. Proud ako kasi nagamit ko 'yung platform ko, na-reunite natin ang isang pamilya at matutulungan natin si Kuya Jesus na magkaroon ng magandang kinabukasan. Pagdating sa pamilya ay iba siya sa akin, iba ang kurot sa puso kasi mahal na mahal ko ang pamilya ko, kahit mawala lahat sa akin huwag lang sila," dagdag ni Alawi na sinabing lahat nang kikitain ng videos kung saan naroon ai Kuya Jesus ay mapupunta sa huli.

Muli ring iginiit ni Alawi na magpapatuloy ang pagtulong niya kay Kuya Jesus na una nang nakabalik sa Bicol.

Screen grab: YouTube/Ivana Alawi

Sa pagpapatuloy ng vlog, kita ang pagtungo ni Alawi sa Bicol at pagpapakita ng lupa na binili at ipapangalan kay Kuya Jesus. Ayon kay Alawi walang pwedeng makakuha sa lupa ni Kuya Jesus na binili niya ng P500,000.

Natuwa naman si Alawi sa pagtungo nito kay Kuya Jesus na kasama na ang kanyang pamilya kung saan kapasin-pansin ang magandang pagbabago nito.

Screen grab: YouTube/Ivana Alawi

Matapos kumain ay nagtungo na sa biniling lupa sina Alawi at Kuya Jesus kung saan ipinaalam na sa kanya ng aktres na sa kanya na ang lupa na papatuyaan niya ng bahay.

"Ibibigay namin sa iyo ang titulo, nakapangalan sa iyo, regalo namin sa iyo. May lupa ka na, iba ka na. Ako ang bahala sa iyo sabihin mo sa akin ano ang kailangan natin para makagawa tayo ng bahay diyan. Tapos mag-lalagay pa tayo ng maraming hayop, tapos magtatanim tayo rito," ani Alawi kay Kuya Jesus.

Screen grab: YouTube/Ivana AlawiTila hindi naman makapaniwala si Kuya Jesus sa sorpresa ni Alawi na sa huli'y pinasalamatan niya.

Ayon kay Alawi, ipapagawa niya ang bahay ni Kuya at bibigyan ng negosyo si Kuya Hesus.

Pinaalalahanan din ni Alawi si Kuya Jesus na bagama't masarap magbigay, kailangang may natitira pa rin para sa sarili.

Ivana Alawi naantig ang puso sa kabutihan ni 'Kuya Hesus'

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.