MAYNILA -- Naging maaksiyon ang tagpo sa "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes ng gabi nang sugurin ng grupo ni Olga Montenegro (Irma Adlawan) at David (McCoy de Leon) ang grupong Red Phoenix nina Richardson Wu (Ricardo Cepeda) at Roy (Jeffrey Tam) sa pagawaan ng ilegal na droga.
Sa episode 459, tuluyan nang nabahiran ng dugo ang mga kamay ni Santino (Ronwaldo Martin), kapatid ng bidang karakter na si Tanggol (Coco Martin) matapos niyang mabaril at mapatay si Bullet (Renz Fernandez), isa sa tauhan ng mga Montenegro.
Sa social media post ng Dreamscape Entertainment, nagpasalamat at namaalam na ito sa karakter ni Fernandez. Si Fernandez ay anak ni Lorna Tolentino na parte rin ng "Batang Quiapo" bilang si Amanda.
Nitong Martes ng gabi, nakapagtala ang "FPJ's Batang Quiapo" ng 519,192 concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.
Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
Batang Quiapo: Lena, nagwala, inilaglag na si Rigor
Tindeng, sinugod si Lena sa 'Batang Quiapo'
PANOORIN: Bagong Tanggol sa 'Batang Quiapo'?
MGA KAUGNAY NA VIDEO:
