← Back to Home
Coco Martin, singsing ang naisip ibigay kay Julia Montes ngayong Valentine's Day

Coco Martin, singsing ang naisip ibigay kay Julia Montes ngayong Valentine's Day

Sa programang 'Sakto' ng TeleRadyo, natanong si Coco Martin sa kung ano ang maari niyang ibigay sa mga naging leading lady ngayong Valentine's Day.

🕒 2/13/2023, 3:34:25 AM236 wordsEN

ABS-CBN News

#Coco Martin#Batang Quiapo#Sakto#TeleRadyo
Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, nagbigay kilig ang aktor na si Coco Martin sa pagsabing singsing ang maari niyang iregalo sa napapabalitang nobya na si Julia Montes.

Sa naging pagbisita ni Martin sa programang "Sakto" ng TeleRadyo, natanong ang aktor sa kung ano ang maari niyang ibigay sa mga naging leading lady ngayong Valentine's Day.

Nang mabanggit ang pangalan ni Montes, nakingiting sagot ni Matin: "Singsing."

"Kasi si Juls, sobrang espesyal sa akin," dagdag na paliwanag ni Martin.

Ilan naman sa mga nabanggit na mga aktres na dati niya ring naging leading lady ay sina Andi Eigenmann, Maja Salvador, Erich Gonzalez, Kim Chiu, Yassi Pressman at Bela Padilla.

Nabanggit din ang pangalan ng kanyang pinakabagong leading lady na si Lovi Poe.

Nito lamang nakaraang linggo, kinilig din at naghatid ng saya sa mga CocoJuls o mga tagahanga nina Martin at Montes ang naging pahayag ng aktor na sa "Walang Hanggang" serye nagsimula ang lahat.

Hanggang ngayon wala pa ring tahasang pag-amin sina Martin at Montes sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Huling nagkasama sina Montes at Martin sa seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

Magsisimulang mapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" ngayong Lunes ng gabi, Pebrero 13, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.